Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa
“Ang Pananabik ng Pagasa”
May iba pa bang mas umaasa sa Pasko kaysa sa isang bata? Ang Pinterest ay puno ng mga ginawang kalendaryo para sa walang katapusang tanong, “Ilang araw pa ba bago ang Pasko?” Ang mga bata ay umaasa na ang kanilang mga gusto ay maibibigay at ang bahay-bahayan o laruan ay makikita sa ilalim ng Christmas tree.
Ilang oras nilang kinakapa ang mga regalo, para hulaan kung ano ang laman. At sa bisperas ng Pasko ay sobra-sobra na ang kanilang paghihintay. Hindi sila makatulog, naghihintay sa sinag ng bukang-liwayway para gisingin ang kanilang mga magulang at sabihin na Pasko na!
Isipin mo kung paano kaya ang mga araw bago ipinanganak si Jesus. Ang politikal na kadiliman ay nag-iibayo sa rehiyon; ang pang-aapi at kawalang-pagasa ay pangkaraniwan. Nangako ang Diyos na ipadadala Niya balang araw ang Tagapagligtas. Makalipas ang ilang siglo ng pangako, isipin na siguro ay maraming tao ang nawalan na ng pag-asa. Maaring marami rin ang tumigil na sa paniniwala.
Para sa mga naniniwala pa ay umaasang may mababago sa sangkatauhan — isang pangyayaring inakalang manggagaling sa kamay ng isang makapangyarihang mananakop, sa pamamagitan ng pagliligtas sa isang bansa ng isang makapangyarihang hari na ililigtas sila mula sa pang-aapi at pagkaalipin. Ngunit, ang natanggap nila ay kapanganakan ng isang sanggol mula sa isang takot na ina sa isang di kapani-paniwalang sitwasyon. Ang kanilang kuwento ng Pasko (Tagapagligtas) ay hindi nila inaasahan.
“Dahil dito, si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga, at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.” – Isaias 7:14
"Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.” – Lucas 2:11
Ang kapanganakan ni Jesus ay kumakatawan sa pangakong natupad. Ang mundo ay mukhang madilim, at parang ang ating mga dasal ay sinagot ng katahimikan, ngunit laging may dahilan para sa pag-asa. Tinutupad Niya ang Kanyang mga pangako. Ano na kaya ang buhay natin kung lagi tayong umaasa sa anong kayang gawin ng Diyos? Sana ang Kapaskuhan ngayon ay kumatawan sa panahong umaasa tayo sa mga plano ng Diyos para sa atin. Ang Kanyang mga pangako ay di nabibigo!
Shana Hamrick
Weekday

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.
More
Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org