Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Hiwaga ng PaskoHalimbawa

The Magic Of Christmas

ARAW 4 NG 25

"Ang Mahika ng Mosaiko"

Noong ako ay lumalaki, ako at ang aking mga kapatid ay nagkaroon ng tahimik na paligsahan kung sino ang makakapagsorpresa kay Mama and Papa nang pinaka-orihinal na regalo sa umaga ng Pasko. Noong isang taon, ang isang naka-kuwadrong larawan ng aming mga magulang noong magkasintahan pa sila sa haiskul na may nakaukit pang mga pangalan nila ang “nakapanalo ng Pasko.” Sa sumunod na taon, sa isang pagtatangkang lumikha ng mga mahiwagang sandali para sa aking ina sa umaga ng Pasko, tinipon ko lahat ng kanyang mga paboritong mga damit, kasali na ang lumang football jersey ng aking ama noong haiskul, pinunasan ang alikabok mula sa makinang pantahi, at gumawa ng isang kumot na puno ng mga alaala at sentimentalidad.

Ang kamangha-manghang kumot ay nagpahayag ng kuwento tungkol sa mga kaganapang tila walang relasyon sa isa't-isa ngunit kapag pinagsama-sama ay nagpapahayag ng mas kamangha-manghang kuwento. Ang iba't-ibang piraso ng damit ay naging iisa. Ang Pasko ni Mama ay magiging mahiwaga. Ang pagpapanalo ng Pasko ay sigurado na.

Alam ni Haring David ang tungkol sa pagsasama-sama ng mga bagay upang ipakita ang kanyang pagmamahal. Maaari ngang hindi paligsahan ng magkakapatid ang nag-udyok sa kanya noon, pero ang Hari ng Israel ay naghangad na gumawa ng isang templo upang magbigay-puri sa Diyos na kanyang minamahal. Ang batang pastol na naging hari ay nananabik sa isang lugar kung saan pwedeng manatili ang Espiritu ng Diyos; siya ay nananabik na mapalapit ang presensya ng Diyos.

Pero ang Diyos ay may ibang plano upang mapalapit sa kanyang mga tao.

Siya ay lumilikha ng isang pamana na hindi kayang ilagay sa loob ng isang gusali. Ang mosaiko ng kuwento ng Diyos ay unti-unting natapos sa isang paraan na hindi inisip ni David na mangyayari. At ginamit ng Diyos ang pamilya ni David upang magawa ang kanyang layunin.

Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan
at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian.
Itatatag niya ito at pamamahalaan
na may katarungan at katuwiran mula ngayon at magpakailanman. Isasagawa ito ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat. – Isaias 9:7

Galing sa angkan ni David, nagpadala ang Diyos ng isang Manunubos at ang kanyang pangalan ay si Jesus. Tulad ni David, siya ay nakilala bilang isang pastol na naging hari, ngunit ang haring ito ay hindi tulad ng anumang hari na nakita ng Israel. Hindi Siya mananatili sa isang templo kundi Siya ay magbibigay-katuparan sa isang pangako. Siya ang magiging Emmanuel—ang Diyos kasama natin.

Holly Goddard
Waumba Land

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

The Magic Of Christmas

Para sa ilan, ang Pasko ay oras ng kagalakan at pagdiriwang. Sa iba naman, ito ay isang mahapding paalala ng mga nawala. Kung anuman ang iyong nararanasan sa kapaskuhang ito, ang Pasko ay isang pagkakataon upang tumuon sa pinagmulan ng ating pag-asa. Inaanyayahan ka naming sumama sa mga kawani ng North Point para sa susunod na 25 araw upang magkasamang maranasan ang hiwaga ng Pasko. Sumali sa pag-uusap gamit ang #NPDevo.

More

Nais namin pasalamatan ang kawani ng North Point Community Church at North Point Ministries sa pagbabahagi ng nilalaman ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang northpoint.org