Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

1 Mga Cronica 17:11-14

1 Mga Cronica 17:11-14 RTPV05

Pagkamatay mo, isa sa mga anak mong lalaki ang hahalili sa iyo bilang hari, at patatatagin ko ang kanyang kaharian. Siya ang magtatayo ng aking templo at magiging walang katapusan ang kanyang paghahari. Ako'y kanyang magiging ama at siya'y aking magiging anak. Hindi magbabago ang aking pag-ibig sa kanya, di tulad ng ginawa ko sa sinundan mo. Siya ang pamamahalain ko sa aking bayan at kaharian habang panahon. Mananatili magpakailanman ang kanyang trono.’”