Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 14 NG 14

Noong isang araw sa Animal Planet, may isang lalaki na nakagat ng isang sobrang makamandag na ahas sa isang lugar sa Africa. Kinagat siya ng ahas sa sakong at ang mabilis nitong kamandag ay mabilis na sumama sa daluyan ng kanyang dugo. Dinala agad siya ng mga kaibigan niya sa pinakamalapit na lugar kung saan madali siyang makakakuha ng sasakyan papunta sa ospital. Inabot sila ng ilang oras para magamot ang lalaki. Sa wakas, matapos ang napakahabang kaganapan, nakilala din ng mga tao sa ospital ang klase ng kamandag at binigyan siya ng gamot para dito upang kontrahin ang nakamamatay na kamandag.

Alam ng mga kaibigan ng lalaking ito na mamamatay na siya, at ginawa nila ang lahat ng posibleng paraan upang makahingi ng tulong para sa kritikal niyang kondisyon. Sa talata sa araw na ito, makikita mo na ginawa din ni Jesus ang parehong bagay, bagama't ang tinutugunan Niya ay ang mga nasa kritikal na kondisyon, sa espiritwal na kalagayan nila. Kinilala ni Jesus ang taong naghihingalo ang mga espiritwal na kalagayan at nangangailangan ng seryosong tulong. Ang radikal na pamumuhay Niya ay may marka ng pagmamahal, sakripisyo, at pag-abot sa mga tao na nangangailangan ng kaligtasan.

Sa loob ng nakalipas na 14 araw, iniisip natin kung gaano kahirap ang maging bahagi ng isang simbahan - ang komunidad ng mga mananampalataya. Ngayong araw na ito, gumugol ng ilang oras upang isipin ang mga tao sa iyong mundo (e.g. paaralan, trabaho, kapitbahay) na maaaring inuudyukan ka ng Diyos na tulungan mo. Maraming tao ang hindi pa nakaranas ng pagmamahal ng Diyos o ng pag-asa na ibinibigay Niya. Anu-ano ang mga paraan na maari kang maging intensyonal sa pagbabahagi sa kanila patungkol kay Jesus? Paano mo sila maipapakilala sa ganitong ideya ng komunidad?

Banal na Kasulatan

Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net