Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Saan man tayo lumingon, makakakita tayo ng lahat ng uri ng payo kung paano magkaroon ng mas masayang buhay. Eto ang ilang mga bagong mungkahi galing sa mga babasahin, mga website, atbp:
- Maglaan ng kahit 5 minuto araw-araw para maging nakakatawa para mabawasan ang stress
- Mag-ehersisyo sa labas kahit na 10 minuto araw-araw para mapalakas ang tiwala sa sarili
- Umidlip ng 15 minuto kada araw para makaramdam ng panibagong lakas at mas marami pang magawa
- Pumunta sa simbahan isang beses kada taon upang mapanatili ang malinis na konsensya - ano???
Ang panghuli ay hindi naman talaga nasusulat kahit saan, pero maraming tao ang iniisip na totoo 'to. Ang problema ay, hindi ito nalalayo sa katotohanan. Nilikha tayo ng Diyos ng may pangangailangan sa ibang tao upang palakasin ang loob natin, mahalin tayo, at mabuhay na kasama tayo. Ang uri ng komunidad na ito ay makikita sa simbahan, ngunit hindi natin makakamtan kung pupunta lang tayo isang beses isang taon.
Ang aklat ng Kawikaan sa Biblia ay katulad ng lahat ng nakalista sa taas - isang aklat ito na puno ng maliliit na payo kung paano mabuhay nang mas masaya. Kilala ito bilang libro ng karunungan. Ang babasahin sa araw na ito ay manggagaling sa librong nabanggit. Siguraduhing mabasa ang bersikulo 17 ng ilang beses. Sinasabi dito, "Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan." Bilang mga mananampalataya, maaari nating hikayatin ang bawat isa na abutin ang layunin ng Diyos kung bakit tayo nilikha, at mamuhay nang kung paano tayo dinisenyo para mamuhay. Anu-ano ang mga paraan para "mapatalas" mo ang iyong kapwa ngayon? Paano mo "mapapatalas" ang iba para maging aktibong parte ng isang lokal na simbahan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net