Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 7 NG 14

Ano ang ibig sabihin ng salitan "komunidad"? Maglaan ng ilang minuto upang makapag-isip ng mga bagay na makakapagsalarawan ng komunidad. Eto ang ilan para makapagsimula ka:
- Kumain nang sama-sama
- Gumawa nang sama-sama
- Mag-alok ng sakay patungong paaralan
- Maglaro ng football, soccer, basketball, atbp.
Ano pa ang ibang mga bagay?

Maraming pagkakataon, kapag maganda ang mga nangyayari, hindi tayo naghahanap ng komunidad. Maaari nating makalimutan ang magbigay ng tulong sa iba o kaya ay mag-abot ng tulong sa iba. Kapag maayos ang mga bagay-bagay, madalas ay hindi natin nararamdaman na kailangan natin ng tulong ng iba, lalo ng Diyos. Kaya namumulat lang tayo kapag may pangangailangan na tayo.

Paano kung may kaibigan ka na nakikita mo lang kapag may kailangan siya? Hindi siya magiging isang mabuting kaibigan, di ba? Gusto ng Diyos na magsama-sama tayo bilang isang simbahan upang sambahin Siya at patatatagin ang ating kapwa, maganda man o hindi ang panahon. Dahil sa panahon na maganda ang nangyayari sa atin, maaaring may tao naman na kailangan tayo sa kanilang buhay, para hikayatin natin sila.

Basahin ang Banal na Kasulatan ngayon at magplano ng mga paraan na maaari kang maging parte ng katawan ni Cristo sa pamamagitan ng paghihikayat sa iba ngayon!

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net