Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 10 NG 14

Nakaranas ka na bang trahedya (malaki man o maliit) at nalaman mo na isa sa mga mahal mo ay nariyan para sa iyo? Ano ang pakiramdam na nariyan siya para tulungan ka sa mga pangangailangan mo? Sa talata na mababasa mo, kinailangan magpakumbaba ng paralisadong lalaki. Habang nagbabasa ka, isipin mo kung paano niya ipinakita ang pagpapakumbaba. Isa pa, tingnan kung paano nagpakita ng pagsasakripisyo ang kanyang mga kaibigan.

Kapag nasa mahirap na panahon ka, may dalawang panig para maranasan si Cristo sa pamamagitan ng komunidad. Sa isang banda, maaaring ikaw ang tao na makakatulong sa iba, sa pagbibigay ng iyong oras, talento, at/o kaya'y kayamanan. Sa kabilang banda, maaaring kailangan mong magpakumbaba para matanggap ang tulong. Ano pa man ang iyong sitwasyon, ibig ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay lumalapit sa Kanya sa tuwing ang mga ito ay nasasaktan at dinadala sa Kanya para sa tulong. Maglaan ng oras upang suriin ang iyong puso at buhay. Mag-isip ng mga paraan para maranasan si Cristo sa iyong komunidad sa oras ng mahirap na sitwasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net