Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Nakakita ka na ba ng mga "wall words" na isinasabit ng mga tao sa kanilang mga tahanan para pang-dekorasyon? Isa sa pinakapangkaraniwan na makikita ay ang "Live. Love. Laugh." Ang ideya sa likod ng mga salitang iyon ay ang mabuhay sa bawat minuto, tumawa araw-araw, at magmahal nang higit pa sa salita. Napakagandang damdamin. Pero naisip mo na ba mamuhay nang ganito? O magbahagi ng buhay sa isang buong grupo ng mga tao na namumuhay nang ganito? Ganito mismo ang pamumuhay ng mga naunang mga Cristiano sa tuwing magkakasama sila upang mabuo ang naunang iglesia. Ngunit hindi lamang sila nabuo dahil lang sa magandang kasabihan. Radikal ang kanilang pagbabago dahil sa mismong Espiritu ng Diyos, at nag-uumapaw ang buhay nila ng buhay, kagalakan, at pagmamahal sa bawat isa. Ngayon, habang binabasa mo ang patungkol sa sinaunang simbahan, maglaan ng oras at tanungin ang iyong sarili, "May relasyon ba ako sa ibang mananampalataya kagaya nila?" Paano maikukumpara ang simbahan mo sa kanila? Ano ang mga paraan upang mabuhay, magalak, at magmahal ka nang mas malalim ngayon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net