Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Serbisyo. Hindi ito ang pinakamasayang salita. Kalimitan na ibig sabihin nito ay trabaho, kaya bakit mo ito gagawin? Bakit ka magboboluntaryo para pagsilbihan ang iba? Pero, may nauna na dito - ginawa ito ni Jesus. Sa babasahin natin ngayon, titingnan natin ang halimbawang ginawa ni Jesus para sa atin sa paglilingkod sa ibang tao.
Sa talatang ito, dalawang antas ng paglilingkod ang ipinapakita:
1. Nakikipag-ugnayan si Jesus sa ministeryo na gustung-gusto Niya, ang dahilan kung bakit Siya naparito - magturo at mangaral sa iba. (Makikita ito sa mga kabanata na nakapalibot sa Juan 13, bagama't hindi ito eksaktong sinasabi. Sa totoo lang, hindi ito sinasabi saan man sa Juan 13, dahil Siya at lahat ng nasa pangkat ng ministeryo [a.k.a. ang Kanyang mga disipulo] ay nagpapahinga sa pagmiministeryo at sama-samang kumakain.)
2. Pinagsisilbihan ni Jesus ang mga tao na kasama rin Niya sa ministeryo. Sa wakas ay oras na para magpahinga, at pinili ni Jesus na maglingkod sa Kanyang pangkat sa oras ng Kanyang pahinga.
Hanapin ang mga paraan na mapaglilingkuran ang Diyos gamit ang anumang nakapagpapasaya sa iyo. Kung magkakaroon ka ng sa tingin mo ay isang perpektong ministeryo mo sa simbahan, ano ang gusto mong gawin? Kakanta ka ba sa worship team? Siguro ay magpipinta ng larawan sa oras ng sermon? Tumulong magturo sa mga bata? Ano man ang gagawin mo, subukan na gawin ito kasama ang grupo. Ang grupong ito na kasama mo manglingkod ay maaari mong maging matalik na kaibigan, habang naglilingkod kayo sa Diyos nang sama-sama. Kung kasalukuyan ka nang naglilingkod sa simbahan, ano ang maaari mong ibigay sa mga kasama mong maglingkod?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net