Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Ayon sa NASCAR, ang ibig sabihin ng salitang "drafting" ay:
Ang epekto ng aerodynamics na nagpapahintulot sa dalawa o higit pang sasakyan na naglalakbay nang halos magkakadikit para makatakbo ng mas matulin kumpara sa nag-isang sasakyan. Kapag ang isang sasakyan ay sumusunod nang sobrang lapit, ang isa na nasa harapan ay nakukuha ang hangin, na nagiging sanhi upang humina ang paglaban ng sasakyan sa likod.
Sa karera, ang lahat ng sasakyan ay siguradong magkakahiwalay - magkakahiwalay na mga motor, mga gulong, mga nagmamaneho, mga kaha, lahat. Maliban kung ang isa ay nagda-draft sa isa pa; kung ganoon ay nagmamaneho sila nang sabay.
Ngayon ay mababasa mo ang grupo ng mga tao na tinatawag na mga Taga-Macedonia. Mahal na mahal nila si Pablo kaya't nagsakripisyo at nagbigay upang magpalakas ng loob at magsuporta sa kanya. Kailangan natin magpakita ng pagmamahal sa katawan ni Cristo. Lahat tayo, bilang mga Cristiano, ay parte ng katawan ni Cristo. Meron tayong espesyal na koneksyon sa iba pang Cristiano. Sa buhay, madalas ay nasasaktan natin ang mga tao na pinakamamahal natin. Naranasan mo na bang magbuhos ng galit sa isang miyembro ng pamilya? Nagbuhos din ba sila ng galit sa iyo? Madalas, nasasaktan natin ang pamilya natin sa simbahan dahil sa ating pagiging makasarili o kaya ay sa pamamagitan ng hindi magandang pananalita. Minsan ay nasasaktan natin sila dahil sa ating kawalang-malasakit o pagpapangkat-pangkat. Kailangan nating matutunan na magpakita ng pagmamahal sa ating mga kapatiran kay Cristo, katulad ng ipinakita ng mga taga-Macedonia kay Pablo. Sa mundo, inaasahan ng mga tao ang karaniwang kagandahang loob. Sa simbahan, dapat nating asahan ang kakaibang paggalang. Itinuturo sa Biblia na ang Diyos ay pag-ibig (1 Juan 4:16). Bilang mga anak Niya, dapat natin mahalin ang bawat isa sa isang natatanging paraan. Sinabi ni Jesus na kapag minahala natin ang isa't isa sa ganoong paraan, malalaman ng mundo na sinusundan natin ang yapak Niya.
Maglaan ng ilang minuto at tanungin ang Diyos kung paano mo mapapalakas ang loob ng ibang mananampalataya ngayon.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net