Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Ang istorya sa araw na ito ay nagsisimula sa isang babae na nagngangalang Naomi, na ang asawa at dalawang anak ay parehong pumanaw. Nabubuhay si Naomi dala-dala ang pinakamasakit na bagay na naranasan niya. Walang katumbas na salita ang kanyang pagdadalamhati. Nagpasya siya na iwanan ang bayan na tinawag na tahanan ng kanyang pamilya, upang bumalik sa lugar kung saan siya lumaki. Binalak din niyang iwanan ang kanyang dalawang manugang na babae nang sa gayon ay makapag-asawa silang muli at sana ay magkaroon ng masayang buhay. Isa sa kanyang manugang na babae, si Ruth, ay hindi pumayag na iwan siya. Lubos ang katapatan niya kay Naomi at sa paglilingkod sa Diyos na isinakripisyo niya ang mga pagkakataon para mahanap niya ang sarili niyang kaligayahan.
Habang binabasa mo ang istorya sa araw na ito, tanungin mo ang iyong sarili kung may kilala ka ba na nangangailangan ng komunidad kagaya ni Naomi. Maglaan ng oras upang ipanalangin sila. Paano ka inaakay ng Diyos para maglingkod sa kanila?
Habang binabasa mo ang istorya sa araw na ito, tanungin mo ang iyong sarili kung may kilala ka ba na nangangailangan ng komunidad kagaya ni Naomi. Maglaan ng oras upang ipanalangin sila. Paano ka inaakay ng Diyos para maglingkod sa kanila?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net