Malalim na Pagsisid 14Halimbawa
Lahat tayo ay nakakita na ng mga taong makasarili. Ang lahat ay patungkol sa kanila. Napupuspos sila sa pag-iisip kung ano ang iniisip ng iba sa kanila. Ang ilan sa kanila ay umaabot pa sa pagpapaskil ng kanilang larawan sa internet, at saka magtatanong sa iba na magbigay ng grado sa kanilang katawan o mukha. Kahit pa ang pinag-uusapan natin ay "ibang tao," ang totoo ay lahat tayo ay naging ganoong uri ng tao sa isang punto ng ating buhay. Marahil hindi naman sukdulan, pero naranasan na natin ang makakuha ng pansin ng ating mga kaibigan, at nais natin ang ganoong pakiramdam. Ang panganib ay dumadating kapag ang buong pagkakakilanlan at halaga ng sarili natin ay nakasalalay na lamang sa kung ano ang iisipin ng iba sa atin. Naghahangad tayo sa mga papuri, kahit na ang bawat isa sa mga ito'y nagbibigay sa atin ng damdamin ng kakulangan sa madaling panahon. Nakita mo na ba ang iyong sarili na nahuli sa bitag na ito?
Isang bagay para maiwasan ang patibong na ito ay humakbang paatras at tingnan ang mas malaki pang larawan. Lahat tayo ay nilikha upang maging bahagi ng bagay na mas malaki pa kaysa sa ating sarili. Bilang tagasunod ni Jesus, lahat tayo ay nilikha upang maging bahagi ng katawan ni Cristo. Anong bahagi ng katawan ka? Ngayon, maglaan ng oras para pag-aralan ang iyong buhay at humiling sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano ka Niya nilikha para maging kakaiba at maging mahalagang bahagi ng Kanyang gawain sa mundong ito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.
More
Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net