Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 1 NG 14

Magagawa mo bang mag-skydiving nang walang parachute? Magba-bungee jump ka ba ng walang bungee? Sasakay ka ba ng roller coaster nang hindi ibinababa ang harness sa balikat mo? Magagawa mo bang mag-scuba nang walang laman na hangin ang tangke mo? Mapapapayag ba kita na kumain ng bulok na itlog na may lamang patay na goldfish, para lang sa katuwaan? Ang sagot sa mga tanong na ito ay siguradong "HINDI!" Ang mga bagay na iyon ay walang katuturan. Hindi nakaka-engganyo. Hindi na pinag-iisipan! Bakit? Dahil ang pagsali sa mga aktibidad na iyon ay hahantong sa sakit panigurado, at marahil sa kamatayan! Gusto mo ba makatuklas ng nakakalokang bagay? Karamihan ng kabataan ay sumusubok sa mga bagay na iyon araw-araw. Marahil ay hindi naman sila gumagawa ng daredevil stunts o kumakain ng hilaw na pagkain, ngunit sinusugal nilang mamuhay nang para sa kanilang sarili lamang. Dinisenyo tayo ng Diyos sa kanyang imahe, bilang mga taong marunong makisama. Nilikha Niya tayo upang magkaron ng relasyon sa kanya sa iba pang mananampalataya (1 Juan 1:3). Sa Biblia, hindi nahahati ang mga Cristiano sa mga pumupunta sa simbahan at sa mga hindi. Sa Bagong Tipan, kung ang mga Cristiano ay malapit sa isa't isa, sila ay nagkikita-kita. Sa aklat ng Mga Gawa, sa tuwing ang apostol Pablo ay pumupunta sa lugar kung saan mayroong mga bagong Cristiano, agad agad niya itong tinutulungan na makakilala ng iba pa, at saka nagiging isa silang maliit na iglesia.

Manalangin ka na bigyan ka ng puso ng Diyos para sa kanyang bayan at tulungan ka rin niya na gumawa ng paraan na palagiang makipagkita sa iba pang mga Cristiano.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net