Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 3 NG 14

Ang talata sa Banal na Kasulatan ngayon ay kawili-wili dahil ang kabuuan nito ay patungkol sa panalangin ni Jesus sa Kanyang mga taga-sunod at sa mga mananampalataya. Sa tuwing nakakarinig ka ng taong nananalangin, nagkakaroon ka ng oportunidad na makita kung ano ang nasa puso nila, habang nakikipag-usap sila sa Diyos. Ipapakita sa atin sa talatang ito kung ano ang nasa puso ni Jesus habang Siya ay nananalangin para sa Kanyang mga taga-sunod. Ito ang mga sumusunod na bagay na mahahanap mo habang ikaw ay nagbabasa:

- Gaano kahalaga kay Jesus ang pagkakaisa para sa kanyang taga-sunod?
- Ano ang layunin sa pagsasama-sama sa lahat ng mga mananampalataya sa kanilang paggawa? (v. 23)

Ibinigay sa atin ni Jesus ang simbahan upang maging lugar kung saan sama-sama tayong makakapaglingkod sa Kanya. Lugar din ito kung saan ipinakikilala Niya ang Kanyang sarili, upang maipakilala din natin Siya sa iba. Ngayong linggong ito, magsumikap upang maumpisahan, makapagsimulang muli, o maipagpatuloy ang pagsamba at paglilingkod kay Jesus kasama ang mga nasa lokal na simbahan.

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net