Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 4 NG 14

Nakaranas ka na ba ng sitwasyon kung saan kailangang-kailangan mo makausap ang matalik mong kaibigan at sinabihan ka nila na tatawagan ka nilang muli ngunit di nila ginawa? Naghintay ka na ba ng sagot sa post o text na di kailanman dumating? Pinakamasaklap na pakiramdam iyon. May bahagi sa bawat isa sa atin na nangangailangan ng pang-aaliw galing sa iba kapag dumadaan tayo sa mahihirap na sitwasyon.

Sa pinakamahirap na panahon sa buhay ni Jesus, tinawag Niya ang pinakamalalapit Niyang kaibigan para samahan Siya - para manatiling gising kasama Niya sa buong magdamag habang Siya ay nananalangin. Ngunit nakatulog sila. Maaaring sobra Siyang nasaktan, sobra Siyang nabigo.

Madaling sabihin, "Paano nila nagawa iyon?" kung hindi naman tayo "sila". Ngunit marahil ang bawat isa naman sa atin ay nakapagbigo na sa isang punto sa ating buhay noong kinailangan tayo ng ating kaibigan. Marahil ay nagbigay tayo ng anumang uri ng mga palusot. Ngunit ang katotohanan ay, kapag wala ang mga tao kapag kailangan natin sila, masakit may magandang palusot man sila o wala. Ano ang mga paraan na masisigurado mo na nariiyan ka para sa iba kapag kailangan ka nila? Ibinigay ng Diyos sa atin ang simbahan bilang ligtas na lugar at kanlungan. Ngunit kung wala tayo dito, maaaring maraming nawawala sa atin sa "pagkawala natin doon" para sa isang taong nasasaktan. Meron ka bang isang maliit na grupo o lugar sambahan na maaari kang mangako na pupunta ka nang regular? Isipin mo nalang ang lahat ng oportunidad na makagawa ng pagbabago sa buhay ng iba, dahil lamang sa naroon ka.

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net