Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 5 NG 14

Napahinto ka na ba para isipin kung ano ang dahilan sa pagsusuot ng mga may-pangalang kasuotan? Nagbabayad tayo ng malaki para maisuot ang logo o pangalan ng isang kumpanya sa ating damit o pantalon, para lang makita ng mga tao kung gaano tayo kagaling pumorma. Ngunit nagbabayad lang tayo para ipakilala ang kumpanyang iyon! Sa isang punto, nabulag na tayo ng mga tao sa marketing sa kanilang taktika. Ngunit sa kabilang banda, alam na nating ito ang mangyayari . Mayroon sa atin na pipiliin na lang na bilhin kung ano ang gusto natin kaysa sa makuha ito sa mahirap na paraan. Mas madali ang bumili ng pang-porma at ng pagtanggap ng ating mga kaibigan sa pagsusuot ng tamang damit kaysa sa maging mahina sa kanila at humubog ng isang personalidad na kakaiba. Si Simon, ang taong mababasa mo ngayon, ay gustung-gustong maging parte ng isang simbahan para magkaroon ng atensyon na gusto niya, kaya't sinubukan niyang bumili ng mga espiritwal na kaloob.

Pagkatapos mong mabasa ang Banal na Kasulatan ngayon, maglaan ng ilang sandali para tanungin ang iyong sarili kung sinubukan mo nang "bilhin" ang iyong daan patungong simbahan. Gumawa ng pangako ngayon na gawin ang mahirap na gawain ng pagbuo ng relasyon sa loob ng simbahan, sa halip na maghanap ng mabilis na paraan para makakuha ng pagtanggap.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net