Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Malalim na Pagsisid 14Halimbawa

Deep Dive 14

ARAW 2 NG 14

Para saan ka nilikha? Para saang tiyak na gawain ka idinisenyo? Ang bawat tao ay may mga natatanging kaloob at talento at nilikha sila para sa walang katulad na layunin, ngunit may pangkalahatang sagot sa mga tanong na ito na nauugnay sa bawat isa. Gusto mo bang malaman kung ano ito?

Bweno, HINDI ito pagte-text. Napakaraming kabataan ang gustong-gusto ang mag-text. Naisip mo na ba kung bakit? Ipinapadama sa atin ng pagti-text na konektado tayo sa iba. Ang pagpo-post sa Facebook at Twitter ay may kakaibang dating din, ang lahat ay patungkol sa pakikitungo sa kapwa. Ngunit minsan ay napakabilis mabihag sa masasalimuot na bagay at kapag natapos ka ay tila mas wala pa itong katuturan kaysa noong nagsimula ka. Habang ang pagte-text, Facebook, at Twitter ay masayang pagpipilian sa digital na pakikipag-ugnayan, importante na maglaan din tayo ng panahon sa ibang paraan ng pakikipagkonekta.

Paano naman ang mga nabubuhay para makakuha ng parangal? Sa akademya, sa laro, sa mga importanteng tao - lahat ng ito ay kahanga-hanga, pero hindi lang dahil sa mga ito kaya tayo nilikha.

Ang iba naman ay nabubuhay para lang kumita ng pera. Ang pagkakaroon ng pera ay hindi masamang bagay. Pero kahit na planuhin natin na ipamigay ang lahat ng ito, hindi pa rin ito ang dahilan ng pagkakalikha sa atin.

Ang isang bagay na LAHAT TAYO ay nilikha ay para sa relasyon. Lahat tayo ay nilikha ng may malaking pangangailangan ng relasyon sa Diyos, at para sa relasyon sa ibang tao. Ang salitang "relasyon" ay nangangahulugan ng "koneksyon." May naiisip ka ba na isang partikular na pagkakataon kung saan nakadama ka ng malakas na pangangailangan na kumonekta sa iba? Ito ay isang dahilan kung bakit nilikha ng Diyos ang simbahan - upang bumuo ng matibay na relasyon sa iba na nakakakilala sa Kanya at magkakasama Siyang sambahin. Kung wala ka pang simbahan, subukan na humanap ng lokal na simbahan kung saan makakakonekta dito tuwing Linggo. Kailangan mo sila at kailangan ka nila.

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Deep Dive 14

Sumisid ng mas malalim. Lumangoy ng mas malayo. Ang 14 araw na babasahing gabay na ito para sa mga kabataan ay makakatulong sa iyong espirituwalidad sa susunod na antas. Magkakaron ka ng pagkakataon na sumisid sa Salita ng Diyos at mahamon sa pamamagitan ng pang-araw-araw na debosyonal.

More

Nais namin magpasalamat sa OneHope sa kanilang pagiging bukas-palad sa pagbibigay balangkas para sa OneHope (Malalim na Pagsisid) babasahing gabay. Para malaman ang higit pa tungkol sa OneHope.net, bisitahin ang kanilang website sa www.onehope.net