Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Ang pag-aalala o takot ay maaring ituring na kakulangan ng tiwala sa Diyos na nagmamahal sa iyo nang walang kondisyon at Siyang gumagawa ng lahat ng bagay para sa iyong ikabubuti. Kapag palagi kang nag-aalala, mali mong ipinagpapalagay na ang mga problema mo ay napakalaki na kahit pa ang Diyos ay hindi ito kayang lutasin. Kapag ikaw ay puno ng takot, mali mong ipinagpapalagay na napakalala ng iyong kasalanan na kahit pa ang Diyos ay hindi ka kayang patawarin. Kung ikaw ay nababalisa, nakalulungkot at mali mong kinukumbinsi ang iyong sarili na wala nang tamang nangyayari sa buhay mo na kahit pa ang Diyos ay wala nang magagawa upang ibalik ang kaayusan nito.
Kung nakagawian mo na ang mag-alala, hindi mo kailanman mararamdaman ang kagalakanan na inilaan sa iyo. Ang pag-aalala at kaligayahan ay hindi maaaring magsama. Ang kaibuturan ng pag-aalala ay isang kahabag-habag na uri ng pagtanggi na may Diyos. Paano nga ba mapagtatagumpayan ang pag-aalala, takot at pagkabalisa?
Ayon sa Biblia ang kapayapaan ay resulta ng pagtitiwala sa Diyos. Kaya mo bang magtiwala sa Kanya? Magtitiwala ka ba sa Kanya ngayon? Masasabi mo ba nang malakas ang, "Jesus, nagtitiwala ako sa Iyo nang buong puso! Nananampalataya ako na walang imposible sa Iyo at may maganda Kang plano para sa buhay ko!"
Kapag ibinabad mo ang isip at kaluluwa sa Salita ng Diyos, mapapalaya ka sa pagkatakot sa kasamaan. Kapag ipinahayag mo kung Sino ang Diyos at kung ano ang kaya Niyang gawin sa iyong buhay, noon lamang milagrosong mawawala ang takot, pag-aalala at pagkabalisa. At ano ang papalit sa mga nakapanlulumong mga emosyon na iyon? Matatagpuan mo ang sarili mong puspos ng kagalakan!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com