Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Ang mga salita ni Pablo sa siping ito ng Banal na Kasulatan ay mistulang hagibis na naglakbay mula sa sinauna tungo sa atin sa ika-21 siglo na nagnanais na mamuhay nang kalugud-lugod sa Panginoon. Ang mga salita ni Pablo tungkol sa pamumuhay na may kabuluhan at kapangyarihan ay tumatagos sa ating kultura at bumubuwag sa mga bagay na pilit na ipinaniniwala sa atin sa telebisyon at nababasa sa mga pahayagan at magasin. Kung ang layunin mo ay ang makapamuhay nang may kapangyarihan, makinig at pagkatapos ay sumunod sa sinaunang mensaheng ito na akma pa rin sa ngayon tulad noong 2,000 taon nang nakakaraan.
Ang binibigyang-diin sa buhay Cristiano ay ipinahahayag sa pinakaunang bahagi ng siping ito ng Banal na Kasulatan, "Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan." Ipinahahayag ni Pablo na ang pinakamahalagang payo sa pagsasanay na maibibigay niya sa sinumang sundalo ay ang magpakatibay sa kalakasang galing sa Panginoon!
Ang kalooban ng Diyos sa buhay mo ay ang maging malakas kang Cristiano na hindi madaling matangay ng mga hangin ng buhay o ng malalakas na alon ng mga pangyayari. Ginawa pa nga ng Diyos na posible kang masalinan ng mismong Kanyang kalakasan!
Kapag ikaw ay kumuha ng personal na tagapagsanay, maaari nilang sabihin sa iyo kung ano ang dapat mong gawin at maaari ka nilang igawa ng isang programa sa pag-eehersisyo na babagay sa iyong pangangatawan. Ngunit, ang hindi nila kayang gawin ay ang kunin ang kanilang lakas at pagkamatipuno at isalin ito sa iyo. Tanging ang Diyos lamang ang makakagawa niyan!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com