Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Isang araw, nung nasa kolehiyo pa ako, labis akong kabado nang kinailangang kong makipagkita sa pinuno ng Cristianong unibersidad na pinapasukan ko. Hiniling kong mapalitan ang pangunahing kurso ko bagamat matagal na akong pumapasok, at nais ng dakilang tao na itong makasiguro na nauunawaan ko na maaaring mahuli ako sa pagtatapos dahil sa pasiya ko. Tinawagan ako ng kanyang sekretarya sa telepono ng silid ko sa dormitoryo at inabisuhan ng araw at oras na kinakailangan kong dumating.
Habang naglalakad paakyat sa ika-anim na palapag ng pang-akademyang gusali, tuyo ang bibig ko, sinisikmura at nanginginig ang mga tuhod. Ano ba ang pumasok sa isip ko?! Paano ko nagawang magpasiya ng ganoon kahangal na ngayo'y pinatatawag ako upang makausap ng pinuno ng unibersidad?!
Nang marating ko ang tagong dakong kinalalagyan ng opisina ng dakilang taong ito, sinamahan ako ng kanyang sekretarya papasok sa mabunying silid. Inabisuhan akong paparating na siya at maaari akong maupo.
Nakita ko roon ang mga katibayan at diploma mula sa ilang pinakatanyag na institusyon ng mataas na edukasyon noong mga panahong iyon. Nakamit niya ang higit pang pang-akademyang titulo kaysa sa pinagsama-samang titulong inasam ng buong pamilya naming makamit, kasama na ng sa mga tiyo, tiya at mga pinsan ko!
Ngunit ang pinakakaakit-akit sa akin ay hindi isang dipoma ni katibayan. Hindi larawan ng pinunong nakikipag-kamay sa isang pulitiko o iskolar. Ang larawang tumimo sa puso ko ay larawan ni Jesus ... humahalakhak at may nakahahawang ngiti na abot ang magkabilang tainga. Sa ilalim ng larawan ay ang talatang, "Siya ay magagalak sa iyo!"
Napagtatanto mo ba na ang kagalakan ay isa sa pinakamataas na katangian mismo ng Diyos? Ang kagalakan ay isang mahalagang bahagi ng pagkatao ng Diyos. May taos na galak sa lahat ng Kanyang ginagawa at tunay na kasigasigan sa lahat ng sinisimulan Niya.
Ano ang sanhi ng kagalakan ng Diyos? Hindi mo iisiping karapat-dapat ka ngunit ... ikaw ang pumupuno sa Diyos ng sangkalawakan ng kagalakan! Ang Diyos ay nagagalak sa iyo nang kung paanong nagagalak ang binata sa kanyang kasintahan pakakasalan.
Ang Diyos ay nalulugod na makipag-ugnayan sa iyo na makikita Siyang umaawit dahil sa iyo!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com