Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 28 NG 31

Alam mo ba na binigyan ka na ng lahat ng iyong kakailanganin upang makapamuhay nang may kagalakan at maipamahagi ito sa iba? Ang Diyos Ama, sa pamamagitan ni Jesus na Anak, ay naglaan na ng lahat ng iyong kailangan upang makapamuhay ka nang maka-Diyos! At, dahil ang kagalakan ay katangian ng mismong pagkatao ng Diyos, lakip sa inilaan sa iyo ang buhay na may ganap at maliksing kagalakan!

Kung nasa iyo si Jesu-Cristo, mayroon ka na ng lahat ng kakailanganin mo upang mapagtagumpayan ang PMS, depresyon, inklinasyong mamuna ng iba, kawalan ng pasensya at mga nakalipas na pagkabigo. Ang Diyos, na mas mapagbigay kaysa sinuman sa kasaysayan, ay nagbigay na sa atin ng kabuuang kailangan natin upang makapamuhay nang may kapunuan at kagalakan.

Isang katangi-tanging pangako na tayo ay maaaring makabahagi sa Kanyang likas bilang Diyos. Hindi tayo huwad na panlupa; bagkus maaari tayo maging tulad ni Jesus sa wangis, kilos, pananalita, at damdamin noong siya's nasa mundo pa. Ang mismong likas ng Diyos ay maaring pumalit sa ating mga kahinaan sa bawat aspeto ng ating buhay kung pahihintulutan lang natin Siya. Kapag tayo ay naglalakad at namumuhay ayon sa Espiritu, tayo ay naglalakad salungat ng ating mga natural na gawi at namanang mga pag-uugali.

Kung gagamitin mo ang mga bersikulong ito sa iyong buhay, makakamtan mo ang pinakamagaling na posibleng bersiyon ng iyong sarili. Kakailanganin ba nito ang pagsisikap? Oo! Kailangan ng buong-pusong pagsisikap, ngunit ang Diyos mismo ang magpapalakas at magpapasigla sa iyo habang unti-unti kang nagiging kawangis Niya sa bawa't araw na daraan sa buhay mo!

Banal na Kasulatan

Araw 27Araw 29

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com