Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 30 NG 31

Para sa mga taong nakikipaghamok sa depresyon araw-araw at kalimitang lubog sa kawalan ng pag-asa, mahalagang maunawaan ang ugnayan ng kagalakan at pagpapasalamat. Kung ikaw ay mapagpasalamat, ang kaligayahan ay madali mong abutin. Kung ikaw ay may kagalakan, garantisadong binibilang mo ang mga biyaya mo nang malakas at araw-araw.

Ang pagpapasalamat ang susing nagbubukas sa tao ng pinto sa Kanyang presensya. At kapag ika'y nasa presensiya Niya, alam mo ang matatagpuan mo doon: KAGALAKAN!

Kaya ngayon kung ikaw ay nakikipaghamok sa kalungkutan o pagkabigo sa buhay, gumawa ka ng tala ng mga bagay na iyong ipinagpapasalamat. Huwag tumigil sa 5 o 10 ... maging maluho sa pasasalamat at gumawa ng tala hanggang 20 ... o 50 ... o 100 na bagay na ipinagpapasalamat.

Naniniwala akong para sa Cristiano, ang pagpapasalamat ay di dapat nakareserba lang sa isang araw ng taon o panahon ng pagdiriwang. Ang pagpapasalamat ay dapat maging taos na pamamaraan ng pang-araw-araw na pamumuhay. Ang pusong mapagpasalamat ay matabang lupa na uusbungan at pamumulaklakan nang sagana ng mga binhi ng kagalakan.
Araw 29Araw 31

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com