Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 1 NG 31

Nagtataka ka ba kung bakit hindi mo pa nararanasan ang mapaghimala, kasiya-siya at pambihirang kagalakan na pinag-uusapan sa Biblia? Marahil ang pagkabigo mo ay naka-ugat sa paghahanap mo ng kagalakan sa lahat ng maling lugar. Kung naniniwala ka na ang mataas na pinag-aralan, malinis na bahay o 5 disiplinadong mga anak ang susi sa Kaharian ng Kagalakan ... nagkakamali ka. Kung inaakala mo na ang pumayat ng 27.5 libra o pagpapakasal sa iyong sinisintang-pangarap o pagmamay-ari ng pasaporte na puno ng mga tatak mula sa iba't ibang kakaibang lugar ang magbibigay sa'yo ng garantisado at walang hanggang kagalakan ... muli kaibigan ... nagkakamali ka. Ang kagalakan ay matatagpuan sa iisang lugar at iisang lugar lamang ... "sa piling mo'y madarama ang lubos na kagalakan"!

Kung hanap mo ang kagalakan na hanggang kaibuturan na dadaig sa anumang sitwasyon sa iyong buhay, kinakailangan mong gumugol ng panahon sa presensiya ng Panginoon. Kung desperado ka sa kagalakang tunay na sasalungat sa lahat ng malulungkot na sitwasyon mo sa buhay, kailangan mong piliing magbabad sa Kanyang presensiya.

Paano gagawin ito? Ang totoo nito, madali lang. Piliin mong pahalagahan ang pagbabasa ng Biblia araw-araw ... maari kang makinig sa papuring CD at umawit kasabay nito! Kung malakas ang loob mo at talagang desperado ka ... itaas ang iyong mga kamay bilang pagsuko habang sumasamba. Ang isa pang nakatutuwang opsyon ay paglalaan ng oras na makapag-isa sa panalangin araw-araw. Ikaw lang at si Jesus. Isara ang pinto ng silid at lumuhod sa tabi ng higaan habang tapatang nakikipag-usap sa Kanya na pinaka-nakakakilala at pinaka-nagmamahal sa iyo.

Pagtayo sa pagkakaluhod at paglabas sa iyong silid para harapin ang mundo ... matutuklasan mong hindi ka nag-iisa. May bago kang matalik na kaibigang sasama sa iyo sa buong araw. Ano ang pangalan ng bago mong BFF? Maari mong tawagin ang kaibigan mong ... Kagalakan!

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com