Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 6 NG 31

Kung may kagalakan sa buhay mo, ito ay makakadagdag sa iyong patotoo! Kapag ang kagalakan ay nanumbalik sa buhay mo, ikaw ay may kapangyarihang magdulot ng kabutihan sa panahon ng iyong paglakbay sa mundo. Ang mga makasalanan ay makikinig sa iyo dahil ikaw ay may kagalakan. Ang mga lumalabag sa kautusan ay magkakaroon ng interes sa iyong sasabihin kung naipapakita mo ang kagalakan na tanging kaligtasan lang ang makapagbibigay.

Hindi ba't iyon ang nais nating lahat? Lahat tayo ay gustong magdulot ng kabutihan sa mga taon ng ating buhay. Nais natin na ang ating buhay ay mas makabuluhan kaysa isang gitling sa ating lapida. Nais nating mag-iwan ng mga buhay na nabago dahil nagsalubong ang ating landas. Ang kagalakan ay magbibigay sa atin ng kakayanang magdulot ng kabutihan sa buhay ng iba.

Ang kagalakan ay magpapalakas sa iyong patotoo at ikaw ay magkakaroon ng kakayahan na baguhin ang buhay ng ibang tao. Kung inaakala mo na ang kagalakan ay nilikha upang guminhawa ang iyong pakiramdam, kailangan mong baguhin ang iyong pag-iisip! Kailangan ng Diyos ng isang henerasyon ng mga taong puspos ng kagalakan na handang magsagawa ng makabuluhang pagbabago sa mundong ating kinalalagyan. Sali ako... ikaw?!
Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com