Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 8 NG 31

Hindi ako isang manggagamot ngunit mayroon akong reseta para sa iyo!

Kung ikaw ay nakikipaglaban sa depresyon at kalungkutan, 3 beses sa isang araw ay magpatugtog ka ng mga musikang papuri at pagsamba. Maaari mong itaas ang iyong kamay sa pagsamba o di kaya, tahimik na umupo lang at damhin ang kapayapaang dumadaloy mula sa Kanyang presensiya. Para sa malakas ang loob, hinihikayat kitang sumali kay David at sumayaw para sa Panginoon! Maglaan ng mga 5-10 minuto kada umaga, tanghali at gabi at umawit ng mga taos-pusong papuri kasabay ng iyong CD.

Kung ang isang espirituwal na reseta ay di sapat sa'yo, subukan ito: 3 beses isang araw ay buksan mo ang iyong Biblia at magbasa ng isa o dalawang talata. Kung nasa kalagitnaan ka ng kalungkutan, magsimula sa unang kabanata ng Aklat ng Mga Awit at magbasa ng 3-5 taludtod sa tuwing gagawin mo ito. Hayaan ang mga Salita ng Salmista na bumalot sa iyong kaluluwa at maipakita ang kapangyarihan nitong magpagaling sa iyong buhay.

3 beses isang araw, maglaan ka ng ilang minuto sa panalangin, kung kailan ipagdasal mo ang iba. Magtala sa talaarawan ng mga pangangailangan at kahilingan ng ibang tao. Kapag nagbigay ka sa kapwa sa pamamagitan ng pananalangin para sa kanila, ang mga biyaya at ang kalakasan ay tatalbog pabalik sa iyong buhay.

At panghuli, isang beses sa isang linggo ay maglaan ng oras para pagsilbihan ang iba. Mag-alaga ng anak ng isang mas nakababatang ina na nangangailangan ng sandaling kapahingahan ng isip. Yayain ang isang balong makipag-kape sa iyo at pakinggan ang kanyang mga damdamin. Alukin na ipagluto ang isang masama ang pakiramdam. Huwag kailanman maliitin ang kapangyarihan ng kabaitan. Ang kabaitan ang kakambal ng kagalakan ... hindi maaring mayroon ka ng isa na wala ang isa pa!
Araw 7Araw 9

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com