Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 12 NG 31

Dumaan si Jesus sa mga pagsubok at mga mahihirap na sitwasyon habang Siya ay nabuhay sa mundo bilang isang tao. Ang krus ay mahigit pa sa isang pagsubok at hindi basta lang abala. Ang krus ay pasakit! Ito ay pagdurusa! Ito ang pinakamatinding uri ng pagpapahirap sa kasaysayan ng tao! Paano nakayanan ni Jesus ang krus at ang labis na pisikal na paghihirap na idinulot sa Kanya?

Tiniis Niya ang krus, kahit ayaw Niya ang pagdurusa, dahil sa kagalakang naghihintay sa Kanya. Ano ang kagalakan na nakita ni Jesus habang Siya ay nakapako sa krus? Ano ang pambihirang kagalakan na nagpanatili sa kanyang pokus sa kabila ng sakit na nararamdaman na labis labis upang makayanan? Ang saya na nagbigay kay Jesus ng kalakasan upang magpatuloy ay ikaw... at ako. Tayo ang kanyang kasiyahan at Siya ang ating kasiyahan!

Batid ni Jesus na kailangan niyang mamatay upang tayo ay mabuhay.. ito ang busilak na kasiyahan para sa Kanya! Alam ni Jesus na kailangan Siyang ipako sa krus upang tayo ay mapalaya sa pagpapasakit, adiksyon at kalungkutan.... iyan ang di maipaliwanag na saya mula sa Kanya! Alam ni Jesus na dapat akuin ng katawan Niya ang sakit ng kakila-kilabot na pagkamatay upang tayo ay mapagaling. At ito ay Kanyang tinuring na busilak na kaligayahan!

Nagustuhan ba ni Jesus ang mga bagay na dapat Niyang danasin? Hindi... ang sabi ng Biblia ay Kanya itong kinamuhian... ngunit marahil ay ginawa Niya ito dahil tinawag ka Niyang "Joy". Maari tayong magkaroon ng kagalakan dahil Siya ay nasa atin!
Araw 11Araw 13

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com