Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Si Jehoshafat ay isa sa mga mabubuting tao ng kanyang henerasyon. Mahusay niyang isinaayos ang kaharian sa pagpapairal ng hustisya rito. Bilang lingkod ng Diyos, hinimok niya ang mga taong pinamumunuan na katakutan at sundin ang Diyos nang buong-puso. H-m-m-m ... sana'y makahanap tayo ng isang lider na kagaya niya ngayon!
Namumuhay si Jehoshafat nang wasto at may integridad nang bigla na lamang WHAM! Hindi inaasahang nilusob sila ng mga kalaban na naghahamon ng digmaan sa kanyang mapayapang kaharian. Ang lakas ng loob ng mga kalaban!
Ang lakas din ng loob ng mga kaaway mo! Tayong lahat ay humaharap sa mga bigating kaaway at may matututunang isa o dalawang bagay mula sa batang Haring Jehoshafat. Hinanap ni Jehoshafat ang Panginoon. Hindi na siya nagsayang ng panahon na mag-alala o sisihin ang Diyos. Pinagpasiyahan ni Jehoshafat na ituon sa Panginoon ang kanyang paningin sinumang kalaban ang sumugod sa teritoryo ng Juda.
Kung nais mong mapagwagian ang laban ng kagalakan, itutuon mo ang iyong mga mata sa Panginoon. Hindi ka magsasayang ng panahon na mag-alala o mabahala. Pagpapasiyahan mo sa iyong puso na ibigay nang buo at walang-kahati ang pagsasaalang-alang sa Panginoon anuman ang mangyari.
Kadalasan kapag tayo ay nasa labanan, ang tangi nating bukambibig ay ang pakikipaglaban ... ang kanser ... ang kakulangan ng salapi ... ang kakutya-kutyang asal ng aking biyenan ... ang kasuwailan ng aking anak. Pag-usapan mo ang Panginoon kapag ikaw ay nasa labanan! Pumili ng talata sa Biblia at manindigan dito!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com