Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 19 NG 31

Alam ni Haring David ang kahalagahan ng pag-uutos sa kanyang kaluluwa na papurihan si Yahweh! Ang iyong kaluluwa ang pinanggagalingan ng iyong mga damdamin, emosyon at hangarin at, sa kasamaang palad, hindi laging "gusto" ng kaluluwa ang magpuri sa Panginoon. Magkakaroon ng mga pagkakataon sa buhay mo na gugustuhin ng kaluluwang umangal at ipaglaban ang karapatan niyang marinig. Sa mga pagkakataong ganoon, kailangan mong tratuhin na tila dalawang-taong musmos ang iyong kaluluwa! Gaya ni David, kailangan mong utusan ang iyong kaluluwa na papurihan si Yahweh!

Ang iyong espiritu ang bahagi ng iyong kalooban na dapat masunod sa buhay. Sa kasamaang palad, dito sa ika-21 siglong ating kinalalagyan, puno ng usaping sikolohiya, mas binibigyan-puwang natin ang kaluluwa kaysa sa espiritu. Hindi tayo kailanman makakapamuhay batay sa pananampalataya at hindi sa mga bagay na nakikita kung hahayaan natin ang ating kaluluwa ang masunod. Ang ating mga kaluluwa ay inuudyukan ng ating kalagayan subalit ang ating espiritu ay pinangugunahan ng Espiritu ng Diyos at ng Salita ng Diyos. Huwag mong hayaang mandohan ng iyong kaluluwa ang iyong espiritu gaano man ito kaingay!

Wika ng kaluluwa mo ang mga miserableng bagay tulad ng:

"Masyadong malakas ang musika. Uupo na lang ako dito at mamimintas."

"Masyado na akong pagod para magtaas ng kamay sa pagpuri."

"Hindi ko kayang magbigay ng kaloob ngayong linggo."

"Masyado na akong pagod para pumunta pa sa Bible Study. Masakit ang ulo ko. Marahil may tumor ako."

Kapag ang espiritu naman ang nagsasalita, tila ang Salita ng Diyos ang naririnig!

"Ang saya-saya kong magbigay nang malugod!"

"Ayokong mag-alala ... magtitiwala ako na ang Panginoon ang magtustos!"

"Nagpapasalamat ako na ang simbahang ito ay masiglang nagpupuri!"

Palakasin ang iyong espiritu at hayaan itong ingatan at pangunahan ang mga tugon ng iyong kaluluwa sa buhay.
Araw 18Araw 20

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com