Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 21 NG 31

Kakaiba ang payong isinulat nitong taong nasa bilangguan! "Magalak kayong lagi sa Panginoon. Inuulit ko, magalak kayo!!"

Ito ang payong malakas na ipinahayag ni Pablo mula sa pang-unang siglong bilangguang Romano diretso sa ika-21 siglo mong puso: Ang mga panloob mong saloobin ay hindi kinakailangang sumalamin ng panlabas mong kalagayan!

Dalawang ulit itong sinabi ni Pablo kaya't ito rin ang gagawin ko! "Ang mga panloob mong saloobin ay hindi kinakailangang sumalamin ng panlabas mong kalagayan!"

Napakadaling panghinaan ng loob dahil sa mga hindi kasiya-siyang sitwasyon o kaya ay matuksong dibdibin ang mga pangyayaring wala namang kabuluhan. Palaging magkakaroon ng mga sitwasyon sa buhay na magpapalungkot o magpatatamlay o magsasanhi sa atin ng panghihinang emosyonal. Ngunit wala dapat anumang kaganapan sa iyong buhay ang makakapigil sa iyong magalak! Hindi ka dapat mapagnakawan ng kagalakan anumang tagpo o pangyayari ang iyong pagdaanan sa buhay.

Ito ay posible lamang kapag ikaw ay nagagalak "sa Panginoon." Hindi ito posible sa ating pagkatao ngunit walang-dudang posible ito sa Panginoon!

Ang iyong kagalakan ay bunga ng isang pataas na pananaw na nakatuon sa mukha mismo ng Diyos! Kung ikaw ay may pahalang na pananaw sa iyong buhay, ang abot-tanaw lamang ng iyong paningin ay ang tuyo at walang-bungang kaparangan ng buhay. Ngunit kung pipiliin mong tumingin paitaas sa mukha ng Ama, ikaw ay mabibighani ng Kanyang pag-ibig ... ng Kanyang kapayapaan ... at ng Kanyang kabutihan!

Kung pagpapasiyahan mo ngayong araw na ito na mabuhay nang nakatingin sa itaas sa halip nang nakatingin pahalang, wala ka nang panahong magreklamo dahil mapupuspos ka ng kagalakan ng Kanyang presensiya. Hindi ka na maliligalig ng mga kabiguan sapagkat nakababad ka sa pamumuhay ng pagsamba. Ang salitang "depresyon" ay mabubura sa iyong bokabularyo at magsasayaw ka patungo sa itinadhana para sa iyo!

Banal na Kasulatan

Araw 20Araw 22

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com