Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 22 NG 31

Handa ka na ba para sa pinakadakilang payong naitala sa kasaysayan? Handa ka na ba para sa planong titiyak na makalalakad ka sa tagumpay at hindi na kailanman magiging biktimang muli ng depresyon at pagkasira ng loob. Kung oo ... ang debosyonal na ito ay para sa'yo!

"Magalak kayo!" ay isang utos sa Bagong Tipan na nangangahulugang wala kang ibang alternatibo! Ang estratehiya mo sa tagumpay ay ang "Magalak!"

Ang kagalakan ay hindi lang bunga ng pagsunod sa Diyos. Ang kagalakan AY pagsunod sa Diyos!

Ang magalak ay pagsunod sa Diyos at inuutusan tayong magalak sa Panginoon at masiyahan sa Kanyang presensiya.

Ganito ang pagkakasabi ni C. S. Lewis ang: "Tungkulin ng bawat Cristiano na magalak sa abot ng kanilang makakaya!"

Ang layunin ng buhay mo ay ang luwalhatiin ang Diyos sa bawat araw na nabubuhay ka. Ang layunin ng iyong buhay ay parangalan ang Pangalan Niya sa bawat pagpiling gagawin, salitang sasambitin at kaisipang iisipin. Dinadakila mo ang Diyos kapag pinipili mo ang kagalakan ng Kanyang presensiya. Hindi mo Siya niluluwalhati sa pamamagitan ng pag-angal, pagreklamo, pagmukmok o hindi pagpapatawad.

Niluluwalhati mo ang Diyos kapag pinipili mong labanan ang init ng apoy sa pamamagitan ng kagalakan! Kinakailangan mong sundin ang payo ng Espirito Santo at pagpasiyahang tunay na magalak sa susunod na panahong dadanas ka ng malubhang paghihirap. Tinuturuan tayo ng mga bersikulong ito na hindi tayo itinalagang matakot sa mga mabibigat na pagsubok... ngunit itinalagang magalak!
Araw 21Araw 23

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com