Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 27 NG 31

Napagtanto mo ba na ang simpleng pasiya na magbasa ng Biblia araw-araw ay isa sa pinakamatalino at mapakay na pasiyang magagawa mo tungo sa pagkakaroon ng galak? Ang Biblia ay walang-kapantay na anumang maitutugon ng tao sa kapangyarihan nitong tumugon sa anumang karamdamang emosyonal.

Ang Biblia ay hindi lamang isang patag na aklat. Ito ay isang maganang bukal ng kapangyarihang nagmumula sa langit. Maraming tao ang nagsasabing hindi nila nauunawaan ang Biblia ... at sinasabi ko sa kanilang ok lang yon! Ipagpatuloy mo lang basahin ito! Hindi natin palaging binabasa ang Salita ng Diyos para sa kaalaman ngunit palagi nating binabasa ito para sa pagbabago! Tinitiyak ko na ang hindi mauunawaan ng isip mo, mauunawaan ng espiritu mo!

Dahil talagang may kalaban ka ... at talagang nauunawaan niya ang kapangyarihang natatamo ng isang Cristiano sa pagbabasa ng Biblia ... gagawin ng demonyo ang lahat na kaya niyang gawin nang makumbinsi ka na huwag magbasa ng Salita ng Diyos!

Ang disiplina ay hindi kailanman madali, at laging nangangailangan ng pagtuon at determinasyon. Huwag gumawa ng mga katwiran kung bakit hindi mo nabasa ang Biblia kahapon at hindi mo pa rin mababasa ngayon ... gawin mo na lang! Gawin ang makapangyarihang pasiya na gumugol ng panahon araw-araw sa Salita ng Diyos, at mapapasaiyo ang higit-sa-sapat pang kagalakan upang makapagbahagi pa sa mundong nakapaligid sa iyo!

Ang panalangin ko ngayon para sa iyo ay na maipahahayag mo gaya ni propeta Jeremias ang, "Ang mga salita mo'y aking kagalakan."

Banal na Kasulatan

Araw 26Araw 28

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com