Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 29 NG 31

Hindi lang basta natatanging aspeto ng personalidad, ang kagalakan ay regalo na palaging kalakip ng Kanyang minamahal na presensiya. Sa pag-anyaya mo kay Jesus na pumasok sa iyong puso upang maging Panginoon ng buhay mo, ang kagalakan ng langit ay umaabot at yumayapos sa iyo bawat araw ng iyong buhay. Ang kagalakan ay bunga ng presensiya hindi ng mga sitwasyong nagaganap o nailalatag.

Maaari ka maging puspos ng kagalakan kahit na gumuguho ang buhay mo dahil ipinangako Niyang hindi ka iiwan ni pababayaan kailanman. Ang kagalakan ay hindi dapat pabugsu-bugso tulad ng pananalapi o panahon! Ang kagalakan ay hindi nagbabago sa lahat ng araw sapagkat ang presensiya Niya ay hindi nagbabago.

Wala kang maaring gawin o sabihin, na makapagtatanggal sa iyo sa Kanyang presensiya. Walang kang mapupuntahang lugar na makapagtatanggi sa iyo ng Kanyang palagiang pagsama at pagkamatalik. Siya ay nasa lahat ng dako sa lahat ng panahon kaya't iyo rin ang masaganang kaalaman na Siya ay palagi mong kasama ... palaging nasa tabi mo.

Wala ni isang araw sa buhay mo na wala Siya, nagbibigay-lakas at nagnanais ng inyong matalik na samahan. Ang kagalakan ay ang kaalamang Siya ay kasama mo ... sa mabubuting mga araw at sa mga pangit din... sa mga oras ng pasasalamat at mga araw ng kawalang pag-asa. Ang kagalakan ng Kanyang presensiya ay bumabalot at nag-iingat sa iyo. Magpahinga ngayon dahil alam mo na Siya ay mabuti at Siya ay kapiling mo. Wala nang hihigit pang kagalakan dito!
Araw 28Araw 30

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com