Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Si Pablo, ang pinakadakilang teologo at ebanghelista sa kasaysayan, ay muling nasangkot sa kaguluhan! Siya ay nahuling nangagaral ng Salita ng Diyos sa maling lugar at maling panahon. Subalit, bago siya ipakulong, minabuti ni Haring Agripa na bigyan si Pablo ng pagkakataong ipangatwiran ang kanyang panig. Maringal na pumasok sa bulwagan si Agripa kasama ang mga tanyag na politiko noong panahong iyon.
Nagsitahimik ang mga naroon sa harap ng maharlika, at si Haring Agripa na kilala bilang makapangyarihan at mabagsik na mamumuno, ay lumingon kay Pablo sa pagpapahintulot na ito ay magsalita.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyon na ito? Sa totoo lang, dumadagundong na marahil ang puso ko sa nerbiyos! Malamang marami sa atin ay magtatanong kung nasaan ang Diyos sa lahat ng ito! "Bakit ganito, Diyos ko? Pinangangaral ko ang Mabuting Balita sa Iyong Pangalan at ngayon kinakailangan kong ipagtanggol ang sarili ko sa harap ng pinakamakapangyarihang taong nabubuhay?!"
Alam kong magmamakaawa ako sa Diyos na huwag akong magsuka o mawalan ng malay sa harap ng taong ito na may kapangyarihang ipapatay o ipakulong ako sa isang tango lang ng kanyang ulo.
Kalmadong nagbigay-galang si Pablo kay Agrippa at sinimulan ang kanyang talumpati ng pagtatanggol sa mga taos-pusong katagang, "Haring Agripa, itinuturing ko pong isang malaking kapalaran na marinig ninyo ang pagtatanggol ko sa aking sarili laban sa mga paratang ng mga Judio." Mga Gawa 26:2 RTPV05
Isinaad ni Pablo nang buong katapangan sa harap ng pinakamahalagang tao noong araw na "itinuturing ko pong isang malaking kapalaran..." Sa susunod na ikaw ay nasa kalagitnaan ng matinding pagsubok, magagawa mo rin bang ituring itong pagiging pinagpala?
Sa susunod na hindi mo makamit ang iyong inaasam, bakit hindi mo subukang isipin na ikaw ay pinagpala?
Kung pakiramdam mo na malapit nang gumuho ang mundo mo, bakit hindi mo subakan, kagaya ni Pablo, na isiping ikaw ay pinagpala?
Kaya nating baguhin ang ating pag-iisip sapagkat kilala natin si Jesu-Cristo. Kaya nating baguhin ang ating pananaw at pagturing sa ating mga sitwasyon sapagkat nalalaman natin na nasa Diyos na Lumikha ang huling salita! Hinahamon kita... isipin mong pinagpala ka ngayon!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com