Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Ang Mga Taga-Filipos ay isa sa pinakamaikling Sulat sa Bagong Tipan at isinulat ni Pablo sa tulong ng mahinang ilaw mula sa bintana ng isang selda ng Romanong bilangguan. Siguro naman ang isang nabubuhay nang lublob sa sarili niyang dumi sa aktuwal at matalinhagang aspeto ay may karapatang magreklamo sa nakatataas! Tiyak na ang sinumang pinaghahagupit at pasa-pasa sa pagpiling maipangaral ang Mabuting Balita ay maaring maghinga ng sama ng loob o mangatwiran kahit minsan lang! Wala sa atin ang magbibigay-sala sa dakilang apostol na si Pablo kung pinili niyang magpakatotoo at maghinga ng sama ng loob sa Diyos ... sa buhay ... at sa mga natanggap niya.
Sa halip, sa maikling sulat para sa di-kilalang simbahan na naitatag 2 milenya na ang nakakalipas, ginamit ni Pablo ang mga salitang nag-uugat sa "galak", at "matuwa" ng 14 na beses! Sa kasamaang palad, akala ng marami sa atin na ang kapiranggot na kagalakan ay husto na upang hangaan ng iba. Pakiramdam natin ay napakahusay natin kung nagagawa nating umawit sa simbahan kahit na nagkaroon ng alitan sa pagitan ninyong mag-asawa papunta sa simbahan.
Isang bagay na tiyak nating matututunan sa buhay ni Pablo ay ang hindi kailangang maging perpekto ng sitwasyon upang mabakas sa ating mga kilos at pananalita ang kagalakang mula sa langit! Sa araw na ito, kasama si Pablo, pinipili ko ang kagalakan! Ikaw din ba?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com