Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Ano ang pinananabikan ng iyong kaluluwa? Nananabik ka ba sa maraming salapi? Nananabik ka bang masabi ang matagal mo nang gustong isumbat sa iyong asawa? Nananabik ka bang makatulog nang mahaba? Nananabik ka bang makuha ang gusto mo o maipahayag ang sarili nang walang pagtitimpi? Ang salmista ay nananabik sa templo ng Panginoon! Ang simpleng nais ni David ay ang makasama ang Diyos sa kagandahan ng presensiya Niya.
Hindi mo kailanman mararanasan ang kagalakan na nakalaan para sa iyo, hangga't hindi mo nareresolba ang tanong ukol sa mga inaasam mo sa buhay. Kapag dumating na ang araw na iyong pananabikan ang presensiya ng Diyos at ang pamumuhay na ayon sa Kanya at hindi ayon sa iyong sarili, sa mahalagang puntong iyon mo matatanggap ang Kanyang kagalakan. Sa sandaling mapagtanto mo na ang buhay mo ay hindi tungkol sa iyo ... kundi tungkol sa Kanya ... doon mo mararanasan ang mayamang kasiyahang dala ng kagalakan na tanging sa presensiya Niya matatagpuan. Ang pinakamalalalim at maririing pananabik ng iyong kaluluwa ay mahahanap lamang sa Kanya.
Sana'y naranasan mo na ang kamangha-manghang kasiyahan na nagmumula sa pag-awit ng papuri sa Diyos. Sa susunod na "maramdaman" mong sasabog ka na sa galit ... ano kaya kung umawit ka na lang ng saganang papuri? Sa susunod na "maramdamang" nais mong ipangatwiran ang iyong sarili ... ano kaya kung yumuko at pabayaan na lang ang mga kataga ng isang himno ang magbigay ng kapayapaan sa iyong kaluluwa? Sa susunod na pulaan ka ng kasamahan sa trabaho ... ano kaya kung tahimik na humuni na lang ng papuring awit?
Baguhin ang iyong mga tugon mula sa galit patungo sa awit ... mula sa kabiguan patungo sa pagsamba... mula sa kabagutan patungo sa papuri. Mahalaga sa Diyos kung paano tayo tumutugon sa mga isyu ng pang-araw-araw na buhay at ako, gaya ng salmista noong unang panahon, ay pipiliing umawit nalang!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com