Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 17 NG 31

Wala pang hukbo sa lahat ng natalang kasaysayan ang naging handa na tulad ng hukbo ni Jehoshafat sa Juda. Sila ay nakatuon sa Panginoon! Nanatili sila sa templo ng Panginoon! Nag-ayuno at nagdasal sila! Nagpatirapa sila sa kanilang mga mukha sa pagsamba! At pinagsumigawan nila ang tagumpay bago pa man magsimula ang laban!

Habang ang mga tao sa ilalim ng pamumuno ni Jehoshafat ay umaawit at nagpupuri, ang Diyos ang lumalaban. Ang prinsipyo ng Diyos ay hindi nagbabago at kung iuukol mo ang iyong buhay sa pag-awit at pagpuri, ang Diyos ang lalaban para sa iyo. Naniniwala ka ba? Kung ikaw ay naniniwala, ikaw ay gugugol ng mas maikling oras sa pag-aalala at mas mahabang oras sa pagsamba. Kung talagang naniniwala ka sa prinsipyong ito galing sa aklat ng 2 Mga Cronica, ikaw ay gugugol ng mas mahabang oras sa pagpuri at mas kakaunting oras sa pagtsitsismis.

Kapag sinusunod natin ang mga prinsipyo at pamamaraan ng Diyos na matatagpuan sa Biblia, tayo'y siguradong magtatagumpay dahil pinaglilingkuran natin ang Diyos na laging nagsasama sa atin sa parada ng tagumpay!

Ang mga mamamayan nitong nilusob na bayan ay gumugol ng 3 araw sa pagpulot ng mga nasamsam mula sa digmaan ngunit higit pa rin iyon sa kanilang nakayanang dalhin. Mayaman ang habag ng Diyos sa mga tumatawag sa Kanya sa kanilang oras ng desperasyon. Laging hihigitan ng Diyos ang mga panalangin at inaasahan ng mga nasa Kanya kung pipiliin nating sumamba kaysa ngumawa.

Bumalik ang mga tao sa Jerusalem nang may kagalakan ... naranasan nila ang masaganang kapayapaan ... at binigyan sila ng Diyos ng kapayapaan sa buong kaharian.. Mas mabuti pa ito kaysa sa maligaya magpakailan man, hindi ba?!
Araw 16Araw 18

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com