Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 16 NG 31

Ang mga taga-Juda ay malapit nang lusubin ng isang malupit at malaking kalaban. Nagtipon sila sa Templo ng Diyos upang manalangin at humingi ng tulong mula sa Panginoon. Sabik na sabik ang buong bayan sa paghihintay ng Salita mula sa Diyos. Silang lahat ba ay pagpapatayin? Ang kanila bang mga bahay ay pagsusunugin at pagnanakawan? Ang kanila bang mga asawa't anak na babae ay pagsasamantalahan?

Nang bigla na lang, ang Espiritu ng Diyos ay lumukob kay Jahaziel, na mula sa angkan ni Asaf. Si Jahaziel ay tagapanguna sa pag-awit ng mga papuri sa templo! Ang kanyang angkan ay hindi kukulang sa 6 na henerasyon nang nangunguna sa pag-awit ng mga papuri sa templo at sa napakadakilang sandaling ito ng kasaysayan, nangusap ang Diyos kay Jahaziel, "Huwag kayong matakot ni masiraan ng loob... Ang Diyos ang makikipaglaban at hindi kayo!" Kailangan lamang nilang maninidigan sa pananampalataya.

Ang mga salitang ito ay magsahanggang-ngayong umaalingawngaw mula sa labi ni Jahaziel tungo sa iyong puso. Kasama mo ang Diyos at Siya ang makikipaglaban para sa iyo. Siya ring Diyos na humawi sa Dagat na Pula ay kakampi mo! Siya ring Diyos na pumatay kay Goliat sa pamamagitan ng kamay ni David ang makikipaglaban para sa iyo! Siya ring Diyos na nagpatikom ng mga bibig ng mga leon para kay Daniel ang may hawak ng buhay mo.

At pagkatapos ay ano ang ginawa ni Haring Jehoshafat? Nagpatirapa at sumamba siya sa Panginoon. Magandang payo ito para sa akin ... ano sa tingin mo? Kapag kinakaharap mo ang isang kalaban sa buhay, baka gusto mong gayahin ang ginawa ng makalupang haring ito ... nagpatirapa at sumamba siya sa Panginoon. Kung ito'y marapat para kay Jehoshafat ... ito'y marapat para sa iyo. Ito'y walang kinalaman sa kung ikaw ay Baptist o Pentecostal ... Lutheran o Charismatic ... Episcopal o Holy Roller! Balak kong gumugol ng oras sa bawat araw ng buhay ko upang magpatirapa sa buong-pusong pagsamba. Ito ang asta ng kapangyarihan at tagumpay! Kung nakikipaglaban ka sa isang labanang nakapangliliit sa iyo, ito ay matalinong asta sa nakakaalam na siya ay nilikha upang magtagumpay!

At sa huli, ano ang ginawa ni Jehoshafat? Tumindig siya at nagpuri sa Panginoon nang may malakas na boses! Nakikinig ako ... handa ka bang magpuri kasama si Jehoshafat? Laging magpuri ... tayo ay malapit nang magtagumpay!
Araw 15Araw 17

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com