Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
![A Jolt of Joy](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Gumawa si Jehoshafat ng 2 napakatalinong pagpili sa siping ito ng banal na kasulatan. Kailangan nating obserbahan ang mga pagpili na ginawa sa buhay ng batang pinuno, nang sa ganoon tayo rin ay manalo sa bawat laban na inihaharap sa atin ng kaaway.
Una sa lahat, humingi ng tulong si Jehoshafat sa Panginoon! Hindi siya pumunta sa kanyang matalik na kaibigan... i-google kung ano ang nasabi ni Oprah ukol dito... hindi niya ipinamalita sa Facebook ang pinagdaraanan niya... o hindi siya bumili ng New York Times. Si Jehoshafat ay lumapit sa Panginoon sa pahanong kinakaharap niya ang kaaway at iyan din ang dapat mong gawin!
Paano natin gagawin ito? Dalhin natin sa Salita ng Diyos ang ating mga laban. Kung ang laban mo ay tungkol sa depresyon, hanapin mo ang sinasabi ng Biblia tungkol sa depresyon at sa kagalakan. Kung ikaw ay lumalaban sa isang karamdaman, sumangguni sa isang talatuntunan at saliksikin ang mga taludtod tungkol sa pagpapagaling at panalangin. Kung ikaw ay humahaharap sa malaking pagkakautang, hanapin ang sinasabi sa Biblia tungkol sa pagtustos, pagbibigay at pagkakaloob.
Ang pangalawang nakamamanghang pagpiling ginawa ni Haring Jehoshafat ay ang pananatili niya sa templo ng Panginoon. Huwag mong pahintulutan na mailayo ka ng iyong mga laban sa simbahan o sa pagsasama-sama sa ibang kapatiran sa Diyos. Napakaraming Cristiano ang tumitigil sa pagsisimba kapag nalulumbay, nababagabag o may sakit. Kailangang ikaw ay nasa templo ng Panginoon upang maharap mo ang iyong mga laban ayon sa pamamaraan ng Panginoon!
Kung ang nais ng puso mo ay maging isang Cristiano na puspos ng kapangyarihan ng kagalakan ng langit, kailangan mong itulad ang iyong buhay sa halimbawa ni Jehoshafat at hanapin ang mga kasagutan sa Salita ng Diyos. Tulad ni Jehoshafat, matatamasa mo ang presensiya ng Diyos na mahahanap sa Templo ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![A Jolt of Joy](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com
Mga Kaugnay na Gabay
![Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F255%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Banal na mga Damdamin - Maka-Bibliang Tugon sa Bawat Paghamon
![Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F229%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Babasahing Gabay na Ang Mas Mabuti
![Paglilinis ng Kaluluwa](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F257%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paglilinis ng Kaluluwa
![Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1930%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Pagtitiwalang ang Diyos ay Mabuti Kahit Anupaman
![Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg Laurie](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F254%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Araw-araw ng Debosyon kasama si Greg Laurie
![Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F235%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Battlefield of the Mind Devotional (Filipino)
![Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F1355%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Paggamit ng Iyong Oras para sa Diyos
![May Power Ang Words Natin](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55548%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
May Power Ang Words Natin
![Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F55321%2F320x180.jpg&w=640&q=75)
Simula Ng Iyong Paglago Kay Kristo
![Gusto Ka Ni Jesus](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F54855%2F320x180.jpg&w=640&q=75)