Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 13 NG 31

Ano ba talaga ang kagalakan? Mayroon bang isang salitang sasapat sa tunay na kahulugan ng simple ngunit mapaghimalang katagang ito? Wala yata ... subalit may tila hindi mauubos na pakahulugan sa Salita ng Diyos para sa makapangyarihang salitang ito na sadyang napakamakabuluhan sa buhay ng isang Cristiano!

Ang kagalakan ay ang kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao.

Ang kagalagakan ay ang napakaraming saksing sumasalubong sa iyo sa masigabong paghihikayat!

Ang kagalakan ay ang kaalamang walang makapaghihiwalay sa iyo sa pag-ibig ng Diyos.

Ang kagalakan ay paglalakad sa ibabaw ng tubig! Tanungin mo si Pedro!

Ang kagalakan ay gawing alak ang tubig at ang pagpapakain ng libu-libong tao mula sa baon ng isang mapagbigay na bata.

Ang kagalakan ay mga anghel sa parang ng Betlehem sa isang mabituing gabi.

Ang kagalakan ay singlaki ng butil ng mustasa.

Ang kagalakan ay mga bata ... na iba't ibang hugis at laki ... kalong ng magiliw nilang "Guro".

Ang kagalakan ay isang kawan ng mga baboy na nagtatakbo sa tubig at nalunod!

Ang kagalakan ay isang birheng babae na nagwika sa anghel ng, "Mangyari nawa sa akin ang iyong sinabi."

Ang kagalakan ay panganaganak sa isang sanggol kung ika'y 90-taong gulang na!

Ang kagalakan ay isang batis sa disyerto at daan sa ilang.

Ang kagalakan ay ang Kanyang mapaghimala at hindi magwawakas na presensiya sa aking ordinaryong buhay.

Banal na Kasulatan

Araw 12Araw 14

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com