Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Paano ba magkakaroon ang isang tao ng kagalakan habang dinaranas niya ang pagkaluray dahil sa isang pagsubok? Tila labis na espirituwal ito para maging praktikal. Sino ba tayo sa palagay ng Espiritu Santo? Isang bersiyon ni Mother-Theresa na bersiyon ni Pollyanna at Mary Poppins?!
Ang pagpiling maging magalak na Cristiano sa kabila ng hindi-pangkaraniwang sakit ay marahil tila kahambugan sa marami...at malinaw na hindi pagiging makatotohanan sa iba. Paano maituturing ng isang nasa tamang pag-iisip ang mga pagsubok bilang dahilan upang magalak?! Ay...ito ay pawang kalokohan! Ni hindi sasayad sa iyong isip...maliban na lang kung kilala mo si Jesus. Kung gayon, ang pagkakaroon ng kagalakan sa kabila ng pagkabigo ay nagiging makatotohanan at tunay na posible!
Ang katotohanan ay ito: maari tayong magkaroon ng kagalakan sa kabila ng pagdanas ng labis na pagdurusa o trahedya dahil walang makapaghihiwalay sa atin sa Kanyang presensiya. At sa Kanyang presensiya ay palaging lubos ang kagalakan. Ni kamatayan o sakit ay hindi makapagkakaila sa atin ng kalakasan at kaginhawaan ng Kanyang presensiya. Ang pinansiyal na pagbagsak, mga pagsubok sa relasyon at maging ang pagkadurog ng puso ay walang kapangyarihang alisin ang Kanyang mga anak sa pagmamahal at pag-aaruga ng kanilang Ama. Ang diborsiyo ay walang kapangyarihang maitanggi sa atin ang Kanyang pagmamahal at ang mga rebeldeng anak ay hindi makakapaglalayo sa iyo sa lahat ng tinataglay Niya.
Piliin ang kagalakan sa mga sitwasyong hindi sukat aakalain ng iba na kagalakan ang ating magiging tugon. Kapag galit tayo sa iba, bigo sa buhay...nasasadlak sa pighati...at pinahihirapan ng depresyon...itinuturo sa atin ni Santiago ang mas mainam na alternatibo: KAGALAKAN!
Ang mga sitwasyon sa mundo ay maaring makapagnakaw ng ating kasiyahan ngunit hindi kailanman ng ating kagalakan! Kaya sa susunod na may pagsubok na paparating sa iyo, huwag mong patuluyin ang depresyon, sa halip, umpisahang bilangin ang mga dahilan kung bakit isa kang Cristiano na nag-uumapaw at puspos ng kagalakan!
Ang kagalakan ay tiyak na nagpapatunay ng ating pasiya na manatili sa presensiya ng Diyos.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com