Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 10 NG 31

Ang kagalakang dulot ng Panginoon ang tunay na magpapalakas sa iyo at alam ng demonyo na kung ikaw ay napagnakawan niya ng lakas, magagawa ka niyang maging isang mahina, maangal at walang kuwentang Cristiano.

Alam mo ba na ang habol ng demonyo ay hindi ang iyong kalusugan? Alam mo ba na si Satanas ay wala gaanong interes sa iyong buhay may-asawa o maging sa iyong pananalapi? At ang iyong mga anak ay walang gaanong halaga sa demonyo? Ang habol ng demonyo ay ang iyong kagalakan at ang kanyang kaparaanan upang manakaw ang iyong kagalakan ay sa pamamagitan ng pagpinsala ng iyong kalusugan, ng iyong buhay may-asawa, ng iyong pananalapi at iyong mga anak.

Alam ng demonyo na hindi niya mapapabulaanan ang kaligtasan o pagpapatawad na ipinagkaloob sa iyo ni Jesus. Kaya ang kanyang pinupuntiryang nakawin ay ang pinakamahalagang bagay na maaaring makuha ng kanyang mga sakim na kamay. Si Satanas ay walang lubay sa paggawa ng lahat sa pagsisinungaling sa iyo upang sa kalaunan ay malinlang ka niyang matanggalan ng iyong kagalakan.

Ngayon, hinahamon kitang tumindig nang paa sa paa, ilong sa ilong sa umuusig araw at gabi sa mga kapatiran at ideklara sa kanyang pangit na mukha na, "Satanas... hindi mo kaya!! Hindi mo magagawa!! Hindi mo kailanman magagawang tanggalin sa akin ang aking kagalakan!"

Kapag pinili mong labanan ang kaaway gamit ang kagalakang ikinamatay ni Jesus upang maibigay sa iyo, magiging mas makapangyarihang puwersa ka sa mundo ngayon. Magagamit ng Diyos ang mga nagagalak na Cristianong may hustong tapang na panghawakan ang kanilang kagalakan anuman ang kanilang sitwasyon.

Banal na Kasulatan

Araw 9Araw 11

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com