Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
Ang kagalakan ay hindi isang natural na tugon sa buhay kundi isang kahima-himalang tugon sa buhay. Kaya nga ito ay bunga ng Espiritu at hindi ng iyong personalidad. Ang kagalakan ay hindi likas na tugon sa mga kaganapan kundi isang kahima-himalang sandali sa madilim at naghihingalong mundo na ang presensiya Niya ay naihahayag sa buhay mo. Ang kagalakan na dinadanas at ipinapakita mo ay mula sa kaugnayan mo sa Kanya.
Hindi ka nilikha para sa depresyon o maipakita ang mapamintas na espiritu; hindi ka nilikha para sa tsismisan o paghihinanakit. Hindi ka nilikha upang tratuhin nang malamig ang iyong kabiyak, gumawa ng sigalot sa simbahan o sigawan sa galit ang iyong mga anak. Nilikha ka para sa kagalakan!
Ano ang mangyayari kung sa halip na lagyan ko ng gasolina ang tangke ng sasakyan ay maisipan kong magtipid at punuin ng buhangin ang tangke? Hindi ko lang hindi mararating ang patutunguhan ko ngunit sisirain ko rin ang sasakyan! Ito rin ay isang napakasaklap na larawan ng nangyayari kapag sinusubukan ng mga Cristiano na patakbuhin ang buhay nila sa kalungkutan, galit o paghihinanakit. Hindi mo kailanman mararating ang patutunguhan mo sa buhay.
Ikaw ay idinisenyo na maging mabungang Cristiano! Hindi ka kailanman mamumunga ng mga bungang idinisenyo kang ibunga maliban lang kung ikaw ay magbababad kay Jesus. Araw-araw ... sa buong araw ay magbabad ka sa kung Sino Siya at sa lahat ng inilaan Niya para sa iyo. Patabain ang iyong buhay ng Salita ng Diyos, sa pagpupuri at sa pananalangin. Sa sukat na saklaw ni Jesus ang iyong buong pagkatao ay siya ring magiging sukat ng kakayanan mong magbunga ng kagalakan!

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com