Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 51:1-3

Mga Awit 51:1-3 RTPV05

Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang-loob; mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! Linisin mo sana ang aking karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan! Mga pagkakasala ko'y kinikilala, di ko malilimutan, laging alaala.