Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 5 NG 31

Sina Pablo at Silas ay pinaghahagupit hanggang sa pasa-pasa at duguan sila. Marahas na pinunit ang kanilang mga damit at kailangang-kailangan nila ng pangangalagang medikal. Sina Pablo at Silas, dalawang dakilang tagapaglingkod ng Diyos na naglalakbay sa sinaunang mundo upang mangaral ng Magandang Balita ni Jesu-Cristo, ay itinapon sa bilangguang Romano at inilagay ang kanilang mga paa sa pagitan ng dalawang mabibigat na kahoy.

Ang bilangguang Romano ay lugar na madaliang nakakasira ng bait; ilang gabi lang sa mabaho at madilim na lugar na iyon at tiyak na masisiraan ng bait ang isang tao. Nasa ilalim ng lupa, umaalingasaw ito ng amoy ng ihi at suka. Isang beses lamang pinapakain ang mga bilanggo, at ang pagkain nila ay inaamag na tinapay at maruming maligamgam na tubig na ginamit na sa nakadidiring mga bagay.

Sa tuwing magbibigay ng pagkain ang bantay, tiyak niyang sisipain ang bilanggo kung saan siya lubos na masasaktan. Ang mga bilanggong Romano ay nauupo sa kanilang dumi araw-araw sa tila hindi natatapos na mga araw. At mayroon pang mga peste at insekto na walang tigil na gumagapang sa katawan ng mga bilanggo. May mga gagambang pasok-labas sa kanilang mga ilong habang ang mga daga ay malayang nakakatawid sa mga pribadong bahagi ng katawan ng mga bilanggo.

Nang maghahating-gabi, kung kailan ang karamihan ay sumusuko na sa kawalan ng pag-asa at depresyon, natagpuan ni Pablo at Silas ang kagalakan! Natuklasan nila ito sa mapanghi at mamasa-masang kulungan na wala ni bakas ng pag-asa. Nasumpungan nila ang kagalakan habang nakatrangka ang kanilang mga paa at walang silbi, nakaupo sa sarili nilang dumi.

Pinili nina Pablo at Silas na sambahin si Jesus sa pinakamasaklap na sandali ng kanilang buhay. Natagpuan nina Pablo at Silas ang kagalakan! Ngayon ... ano ang dahilan mo?!

Bilang mga Cristiano, may tungkulin tayo ... oo ... makalangit na tungkulin ... na harapin ang pinakamasaklap na maaaring mangyari sa atin nang may kagalakan na palaban!

Kapag pinili mong bumulalas sa hindi-mapigilang pagpupuri sa madilim na oras ng iyong buhay, tingnan mo! Maaaring yanigin ng langit ang pundasyon ng iyong buhay upang makalaya ka sa mga bagay na gumagapos sa'yo.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com