Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 4 NG 31

Sa madilim at malamig na gabi sa Betlehem ay nagsiksikan ang mga pastol sa isang siga na kukurap-kurap ng mumunting liwanag at manaka-nakang init. Ang mga pastol ay mga walang pinag-aralan, aba sa lipunan, mangmang at karaniwang mga gusgusin. Ang mga pastol ay walang pag-asang umasenso... walang pag-asa kailanman na magkaroon ng sariling lupain ... ni umangat kailanman sa buhay. Ang walang-saysay nilang mundo ay hindi nagbabago ... gabi-gabi lang ng mga unga ng mga tupa at kahihiyan ng mga masasagwang biruan sa harap ng isang sinaunang siga. Ang mundo nila'y nakasentro sa hindi mapakali, maungol, suwail at kutuhing mga tupa. At akala mo masaklap ang buhay mo?!

Isang gabi habang sila ay giniginaw at pinipigilan nilang makatulog, sumambulat ang langit sa kanilang maliit at madilim na mundo. Ang awit ng mga anghel ay biglang narinig sa dakong-giyerahan ng mundo at inihayag nito ang kagalakan ng langit sa madilim, at malamig nilang mga buhay. Ang mga bituin ay nagsilaglagan sa natatangi at kamangha-manghang mga kulay habang nagbubukas ang langit, at ang koro ng mga anghel ay umawit ng maringal na simponya na maririnig magpasa-hanggang ngayon.

"Ako'y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking KAGALAKAN sa lahat ng tao."

Nilusob ni Jesus ang mundo hatid ang kagalakan at ito pa rin ang kaloob Niya sa iyo ngayon. Ang presensiya Niya sa buhay mo ang mahimalang mag-aalis sa kadiliman at magsisilang ng pag-asa.

Ang unang salitang ginamit upang ilarawan ang kapanganakan ni Jesus ay ang salitang "kagalakan"! Naniniwala ako na ito rin ang salitang dapat maglarawan sa iyo. Ang kagalakan ay balat ng isang Cristiano at ito ay dapat malinaw sa buo mong emosyonal at espirituwal na pagkatao. Taglay mo ang pang-habang-buhay na tatak ng kagalakan ng langit, at oras mo na upang awitin ang awit ng mga anghel!

Ang buhay mo ay tungkol sa pagdadala ng presensiya ni Cristo sa ating walang pag-asa at madilim na mundo. Si Maria ang unang tagapagdala ng Batang Cristo upang tayo rin, ay maaring maging tagapagdala ng makalangit na DNA. Ang DNA ng langit ay binabaybay na "K-A-G-A-L-A-K-A-N" at ang madilim at malamig na mundo ay desperado para rito!

Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com