Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa

A Jolt of Joy

ARAW 3 NG 31

Kapag tinanggap mo si Jesus sa puso mo bilang Panginoon at Tagapagligtas, isang bagong mundo ng hindi mo pa nararanasang kagalakan ang bubukas sa iyo! Alam ng Diyos na ang buhay sa mundo ay hindi perpekto at mararanasan natin ang dalamhati, pighati at pagkabigo habang tayo'y nabubuhay. Upang malabanan ang mga araw ng lubhang kalungkutan, ipinagkaloob Niya ang kagalakan upang hindi tayo mabuwal ng mga sitwasyon na kakaharapin dito sa mundo. Ang kagalakan ay patikim ng langit na ibinibigay sa atin na nakakakilala kay Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas. Ang kagalakan ay ang kakayanang maranasan ng payak na tao ang mga biyaya na tinatamasa ng Panginoon sa Kanyang pagka-Diyos.

Ang kagalakan ay isang matibay na pagkakakilanlan na resulta ng malalim na relasyon sa Hari ng lahat ng Hari.

Kapag kusa mong pinili na makiisa kay Jesus at magpasakop sa Kanyang Pagkapanginoon at kapangyarihan, pinipili mo ring tanggapin ang kagalakan sa buhay mo. Ang kagalakan ay hindi nakasalalay sa laki ng kinikita mo, sa sigla ng mga relasyon mo o kung saan ka nakatira subalit ito ay nakasalalay sa pagpili mo sa KANYA sa kabila ng lahat ng mga paghihirap ng buhay. Kapag pinili mong ibigay ang buhay mo kay Jesu-Cristo, pinipili ka na rin para sa kagalakan!

Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

A Jolt of Joy

Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.

More

Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com