Isang Kidlat na KagalakanHalimbawa
![A Jolt of Joy](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang lahat ng kaalaman ko sa pagsasaka ay natutunan ko sa aking Ama na pinalaki sa sakahan ng kanyang pamilya bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Mahal ni Ama ang lupa at ang ibinubunga nito. Ang pinakamasasaya niyang mga sandali ay sa paghuhukay sa lupa, pagtatanim ng mga binhi sa malambot na lupa ng tagsibol, pagbubunot ng mga mababagsik na damo sa liwanag ng tag-init at pagkatapos ang paggapas ng masaganang ani na pinalaki nila ng Diyos!
Ito ang natutunan ko sa aking ama: Kung ikaw ay nagtanim ng binhi ng pipino, ikaw ay mag-aani ng makikintab na luntiang pipino. Ang binhi ng pipino ay hindi kailanman mamumunga ng sibuyas... o kintsay... o mais. Kung ikaw ay nagtanim ng buko ng tulip, ikaw ay makakaani ng magagandang palamuting mga tulip. Ang buko ng tulip ay hindi kailanman mag-uusbong ng mga zinya... o puno ng evergreen... o mga forget-me-not. Palagi mong aanihin ang iyong itinanim. Ang binhi ay maari lamang mamunga ng kung ano rin ang nasa kanilang pagkakalikha.
Ito ay totoo rin sa kaharian ng mga hayop dahil ang pusa ay maari lamang manganak ng mga kuting at hindi kailanman manganganak ng mga elepante, balyena o kahit na mga biik. Ang mga hayop, tao o insekto man ay maari lamang manganak ng kung ano rin ang nasa kanilang pagkakalikha.
Subalit sa Kaharian ng Diyos, mayroong isang namumukod sa hindi mapasisinungalingang kodigo ng genetika. Sa hardin ng Diyos, silang tumatangis habang nagsisipagtanim ay palaging mag-aani na puspos ng kagalakan. Kung sa kakaiyak ay nakakatulog ka nang makailang ulit at iyong nararanasan ang pighati ng depresyon, pagkabigo at kalungkutan... huwag kang susuko! Parating na ang kagalakan! Ang iyong mga luha ang magpatataba sa mga binhi ng kagalakan na itinanim ng Diyos sa hardin ng iyong buhay.
Silang nagsipagtanim ng mga luha ng trahedya, pighati, at kabiguan ang may pinakamalaking kapasidad na makaranas ng kagalakan!
Ang kagalakan ay hindi imposible kahit pa iyo nang naranasan ang malalim na pagdurusa o kalungkutan; bagkus ito ay katiyakan sa Kaharian ng Diyos. Hindi ka nakalimutan ng Diyos, bagkus Siya ay nagagalak na maging katuwang mo sa isang masaganang pagsambulat ng kagalakan! Ang pinakamasamang yugto ng iyong buhay ay may kapasidad na magbunga ng pinakamagandang resulta rito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![A Jolt of Joy](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F228%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sinasabi sa atin ng Biblia na "sa piling Mo'y madarama ang lubos na kagalakan" at "ang kagalakang dulot ni Yahweh ang magpapalakas sa inyo." Ang kagalakan ay hindi lang isang emosyon; ito ay bunga ng Espiritu at isa sa mga pinakamabisa mong sandata laban sa kawalang pag-asa, depresyon at kabiguan. Gumugol ng tatlumpu't isang araw sa pagtuklas ng sinasabi ng Biblia tungkol sa kagalakan at sa pagpapalakas ng iyong sarili upang maging isang Cristianong lumalaban sa pamamagitan ng kagalakan.
More
Nais naming magpasalamat kay Carol McLeod para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa mga karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.justjoyministries.com