Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa
Kailangan natin ang Banal na Espiritu. Ang ating pakikipag-usap sa Kanya ay mahalaga. Ang paghahanap sa Diyos ay isang paglalakbay na hindi tumitigil. Minsan ang buhay ay naghaharap ng mga problema na nagtutulak sa atin na huwag nang gumawa ng anuman kundi ang magmukmok.
Dumarating tayo sa punto na pagod na tayong maging pagod. Pagod nang umiyak. Pagod nang manalangin. Pagod nang sumubok. Pagod na sa simbahan. Pagod na sa pagsamba. Pagod na sa buhay.
Sa mga sandaling ito na dapat himukin natin ang ating sarili na LAMPASAN ang maraming mga kaisipan na nagsasabi sa atin na dapat tayong sumuko. Dapat nating paniwalaan, nang walang pag-aalinlangan, na maaari, at, makukuha natin ang pangako ng Diyos kung hinahanap natin Siya. Dapat tayong maniwala na ang Kanyang perpekto at nakahihigit na kapayapaan ay posible sa atin.
Dapat tayong magkaroon ng pananampalataya kapag hinahanap ang Diyos. Naniniwala, katulad ng babae na inaagasan ng dugo, na sa sandaling hawakan natin Siya, tayo ay gagaling.
Ipahayag ito araw-araw:
- Magkakaroon ako ng kapayapaan.
- Mayroon akong tagumpay.
- Pinapagaling ako ng Diyos.
- Hahanapin ko kahit hindi ko gusto.
Bawat madilim na lagusan ay nagtatapos sa liwanag. Bawat bagyo ay matatapos. Ang Diyos ay nanatiling tapat.
Hanapin Siya sa pamamagitan NITO!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.
More