Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 1 NG 10

Ang buhay ay naghaharap ng maraming hamon, at sa ibang tao, ito ay nagsisimula sa murang edad. Mula sa edad na 5-18, ako ay nakipagbuno sa mga kaisipang pagpapatiwakal, galit, depresyon, at pagkabalisa. Kahit matapos ko nang ibigay ang puso ko kay Cristo, hamon pa rin sa akin ang kawalan ng pag-asa. Napakinggan ko ang maraming mensahe ukol sa pananampalataya at pag-ibig ng Diyos na umaliw sa akin ngunit hindi kailanman nagbago sa akin. Ang totoo nito'y ang mga mensaheng iyon ay mas parang mga pampalakas-loob na nakatulong sa aking makayanan ang susunod na linggo. Ang kadiliman, depresyon, pagkabalisa, at ang aking pakikipaglabang mabuhay at magpatawad ay matindi pa rin.

Madalas kong pinipilit ang aking sarili na magkaroon ng pananampalataya at suriin ang aking mga pagdurusa. Ayokong maging isang napakalungkot na Cristiano. Ako ay may depresyon noong isa pang ateista, kaya't ang pagdanas ng depresyon at pagiging isang Cristiano ay hindi lohikal sa akin. ( Kakayanin kong mag-isa lol)

Noong lang sinimulan kong hanapin ang Diyos ko natuklasan na ang kapayapaan ay posible at ito ay nasa Kanyang presensya.

Ang kapayapaan ng Diyos ay isang bagay na patuloy na nahihinog sa atin sa pangunguna ng Banal na Espiritu.

Naniniwala ako na ang taong pinakamaiuugnay natin sa ating sarili pagdating sa trauma at depresyon ay si Job. Si Job ay isang taong paulit-ulit na nagsabing sana hindi na siya ipinanganak. Dahil sa pait ng buhay wala na siyang ganang mabuhay 

Minsan pakiramdam mo ba na panay masasama ang nangyayari sa iyo? Na kahit anong gawin mo o hindi gawin, patuloy kang sinasaktan ng buhay, hinahamak nito? Sa sandaling ito msmo natin dapat hanapin ang Diyos, kahit ayaw natin.

Magtiwala ka sa akin, ang paghahanap sa Diyos ay hindi singhirap ng iniisip natin. Ang paghahanap sa Diyos, tulad din ng paghahanap sa anumang bagay, ay nangangailangan lang na tayo ay desidido. Kapag tinitingnan natin ang isang bagay na mahirap, awtomatiko tayong nasisiraan ng loob.

Simulang hanapin ang Diyos na iniisip ang masisiyahan ako dito, at hindi iniisip na ito ay tuntuning sinusunod lang.

Araw: 1

  • Unahin ang pagsamba sa umaga at gawing huli sa gabi. Ikaw ang bahala kung gaano katagal. Habang sumasamba pagtuunan kung sino Siya.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com