Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan ItoHalimbawa

Seek God Through It

ARAW 5 NG 10

Nakapagmaneho ka na ba sa malakas na ulan o makapal na hamog? Kailangan mong magpatuloy hanggang sa maabot mo ang iyong destinasyon. Ang ulan at hamog ay humadlang sa iyong paningin upang makita kung saan ka pupunta. Kung minsan, tumitigil ka hanggang humupa ang bagyo o hamog.

Sa paghahanap sa Diyos, kailangan nating magpatuloy sa mental at kung minsan ay pisikal na mga hadlang. Ang paghahanap sa Diyos ay isang disenyo na dapat mabuo at maitayo. Hindi ito ang ating likas na tugon.

Ang trauma ay may paraan para mabulag tayo sa paghahanap sa Diyos dahil ang karaniwang nakikita natin ay ang ating sakit. Nararamdaman natin ang panlabas na pangangailangan mula sa pamilya at mga kaibigan. Nararamdaman natin ang ating panloob na pagkatao na nabubuwag dahil sa bigat ng ating mga pananagutan at ng ating realidad.

Ang lahat ng ito ay mga hadlang sa pag-iisip na dapat nating lampasan, tulad ng babaeng may problema sa pagdurugo na sumiksik sa mga tao. Ang mga tao ay hindi lamang hadlang na pisikal kundi mental. Kailangan nating harapin ang bawat pagdududa sa sarili, pagdududa sa Diyos, paano kung, bakit ako, at higit pa para lang makarating sa lugar ng pagpapanumbalik at kagalingan na ibinibigay ni Jesus. Kung ang ating isip ay mananatili sa kadiliman ng ating sitwasyon, paano pa natin makikita ang liwanag?

Alam ng babaeng ito na sa paghipo kay Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya, siya ay gagaling. Ang pagsiksik sa mga tao ay hindi sapat. Ang pagpasok sa Kanyang presensya at paghipo sa Kanya, sa pamamagitan ng pananampalataya, ang nagpagaling sa Kanya.

Sa pamamagitan ng paghahanap kay Jesus at pagpasok sa Kanyang presensya, maaari rin tayong magkaroon ng panunumbalik.

Araw 5:

  • Manalangin at sumamba.
Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Seek God Through It

Depresyon. Pagkabalisa. Ang mga bagay na pumupukaw ng negatibong damdamin at mga traumatikong pangyayari ay nakakapinsala sa atin sa mental, emosyonal, at espiritual. Sa mga panahong ito ang paghahanap sa Diyos ay tila mahirap at tuntuning paulit-ulit lang. Ang gabay, "Hanapin ang Diyos Habang Pinagdadaanan Ito" ay naglalayon na hikayatin at turuan ka kung paanong magkaroon ng inisyatibo at pagkukusa sa presensya ng Diyos upang maranasan mo ang kapayapaan ng Diyos, anuman ang iyong sitwasyon.

More

Nais naming pasalamatan si Brionna Nijah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.brionnanijah.com